300 Mga Taong Nabubuhay sa Gayon Karuming Lupain
Ⅰ
Mas malayo at tumututol ang tao sa Diyos
dahil isinilang ang tao sa isang maruming lupain,
nasira siya ng lipunan, natangay siya ng etikang pyudal,
at nagsanay sa “mga kolehiyo;”
nalusob ang puso ng tao, nasalakay ang konsensiya
ng mga paurong na kaisipan, masamang moralidad,
mahahalay na pilosopiya, walang saysay na pag-iral,
masasamang kaugalian, pamumuhay,
at malulupit na pananaw sa buhay.
Sila na nabubuhay sa kadilima’y
hindi isinasagawa ang katotohanan
kahit na marinig nila ito,
o hinahanap ang Diyos bagama’t
natutunghayan nila pagpapakita N’ya.
Paano magkakaroon ang napakabulok
at napakaimoral na sangkatauhan ng kaligtasan
at mabuhay sa liwanag, at mabuhay sa liwanag?
Ⅱ
Ang disposisyon ng tao’y lalong sumasama bawat araw.
Ni isa’y walang nagkukusang
isuko ang anuman para sa Diyos,
o sumunod sa Kanya at hanapin ang Kanyang pagpapakita.
Sa halip pinipili nilang hanapin ang kasiyahan
sa ilalim ng sakop ni Satanas,
isuko mga sarili nila sa kasamaan
ng laman sa lupain ng kaputikan.
Sila na nabubuhay sa kadilima’y
hindi isinasagawa ang katotohanan
kahit na marinig nila ito,
o hinahanap ang Diyos bagama’t
natutunghayan nila pagpapakita N’ya.
Paano magkakaroon ang napakabulok
at napakaimoral na sangkatauhan ng kaligtasan
at mabuhay sa liwanag, at mabuhay sa liwanag?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos