292 Hindi Alam ng mga Tao ang Pagliligtas ng Diyos

Ang layon ng Diyos sa pagdating Niya sa mundo

ay iligtas ang buong sangkatauhan

at ibalik sila sa Kanyang sambahayan,

at pagsamahing muli ang langit at lupa.

Ipapahayag ng tao ang “mga hudyat” sa pagitan,

‘pagkat ito’ng kanilang tungkulin.


I

No’ng nilikha ng Diyos ang sangkatauhan,

hinanda Niya’ng lahat para sa kanila.

At ayon sa Kanyang hinihingi,

hinayaang matanggap ng tao ang yaman Niya.

Sa gabay Niya, umabot ang tao ngayon.

Lahat ng ito’y plano Niya.


Marami’ng namumuhay sa proteksyon

ng pag-ibig ng Diyos.

At marami sa pagkastigo ng Kanyang poot.

Magdasal man o manawagan sa Diyos,

‘di nila kayang baguhin ang kanilang buhay.

‘Pag wala nang pag-asa,

tanging magagawa nila’y

magpadala sa agos at sundin ang Diyos.


Ilang beses nang kinastigo ng Diyos ang tao.

Pero ‘di nila ‘to pinapansin.

‘Di inaaral ni pinagninilayan.

Kaya’t walang awa silang hinahatulan ng Diyos.

Isa lang itong kaparaanan Niya.

Para magbago ang tao’t mahalin ang Diyos.


II

‘Di pa nakita ng tao

ang tunay na buhay o natalos

ang paghihirap sa mundo.

Kung walang sakunang parating,

karamiha’y kakapit sa Inang Kalikasa’t

titikman ang “buhay.”

‘Di ba’t ito ang lagay ng mundo?

‘Di ba’t ito’ng tinig ng pagliligtas ng Diyos?


Ba’t walang tunay na nagmahal sa Diyos?

Ba’t minamahal lamang Siya

‘pag may pagkastigo’t pagsubok,

at ‘di sa Kanyang proteksyon?


Ilang beses nang kinastigo ng Diyos ang tao.

Pero ‘di nila ‘to pinapansin.

‘Di inaaral ni pinagninilayan.

Kaya’t walang awa silang hinahatulan ng Diyos.

Isa lang itong kaparaanan Niya.

Para magbago ang tao’t mahalin ang Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 29

Sinundan: 291 Sino ang may Kakayahang Kilalanin ang Diyos Pagdating Niya?

Sumunod: 293 Umaasa ang Diyos na ang Sangkatauha’y Patuloy na Mabuhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito