277 Determinadong Sundin ang Diyos
1 Labis akong nagawang tiwali ni Satanas; halos wala akong anumang wangis ng tao. Sa pamamagitan ng malulupit na pagbubunyag ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang kapangitan ng aking katiwalian. Mapagmataas at puno ng satanikong disposisyon, talagang hindi ako marapat na mamuhay sa harap ng Diyos. Kung wala ang awa at pagliligtas ng Diyos, paano ako mapupunta rito ngayon? Ang paghatol ng Diyos ang nakapagligtas sa akin; determinado akong sundin ang Diyos.
2 Malalim ang ugat ng aking satanikong kalikasan, kaya madalas akong nagrerebelde sa Diyos. Naging tau-tauhan ako ng sarili kong laman—tunay na ito’y malagim at kalunos-lunos. Pinatitibay ko ang aking pasya na isagawa ang katotohanan, upang maaari akong makalaya nang tunay. Bilang mananampalataya ng Diyos, dapat kong malampasan ang laman at mabawi ang tunay kong sarili. Ang paghatol ng Diyos ang nakapagligtas sa akin; determinado akong sundin ang Diyos.
3 Ipinakikita ng mga salita ng Diyos ang landas ng buhay. Alam ko na ngayon kung paano umasal bilang isang tao. Tanging sa pagtalikod kay Satanas at sa laman, at pagsasagawa ng katotohanan ako magkakaroon ng pagkatao. Sa paggugol ng sarili ko para sa Diyos at pagsunod sa Kanya, nauunawaan ko ang katotohanan at nakakamit ang buhay. Tanging ang puso ng Diyos ang pinakanagmamahal sa mga tao. Ang Diyos ay marapat sa papuri ng sangkatauhan. Ang paghatol ng Diyos ang nakapagligtas sa akin; determinado akong sundin ang Diyos.
4 Malinaw kong nakita ang labanan sa espirituwal na mundo. Kinakalaban ni Satanas ang Diyos sa lahat ng paraan. Napakamapanganib na hindi hanapin ang katotohanan; madali akong madadala ni Satanas. Tanging si Cristo ang makapagliligtas sa tao—paanong hindi ko Siya mamahalin? Nais kong makamit ang katotohanan at magpatotoo sa Diyos upang suklian ang Kanyang pagmamahal. Ang paghatol ng Diyos ang nakapagligtas sa akin; determinado akong sundin ang Diyos.
5 Ang lahat ng pamamaraan ng gawain ng Diyos ay upang linisin at gawing perpekto ang tao. Ang aking kinabukasan at kapalaran ay nasa mga kamay ng Diyos. Naniniwala ako na Siya ay matuwid. Napagpasyahan ko na si Cristo ang katotohanan, at susundin ko ang Diyos hanggang sa wakas. Ipinapangako ko ang aking buhay na magpapatotoo sa Diyos. Hinding-hindi ko Siya pagtataksilan. Ang paghatol ng Diyos ang nakapagligtas sa akin; determinado akong sundin ang Diyos.