278 Bawa’t Isa sa Atin ay Kailangan Pumili ng Sarili Nating Landas

1 Ipinapahayag ni Cristo ng mga huling araw ang katotohanan at ibinubunyag ang pagiging matuwid ng Diyos; ang Diyos ang katotohanan, at sa lahat Siya ay matuwid. Kung naniniwala tayo sa Diyos nang hindi hinahanap ang katotohanan, tayo ay tatanggalin sa huli. Pinagpapasyahan ng Diyos ang huling hantungan ng tao batay sa kung nakamit niya ang katotohanan o hindi. Hindi alintana kung gaano tayo kabuti tingnan mula sa panlabas, hindi iyon nangangahulugan na taglay natin ang realidad ng katotohanan. Kung walang mabubuting gawa at kung walang katotohanan, lalayuan tayo ng Diyos. Ang Kanyang disposisyon ay banal at matuwid; hindi Niya pinapalampas ang anumang pagkakasala. Ang mga gumagawa ng maraming kasamaan at kinakalaban Siya ay parurusahan. Bawa’t isa sa atin ay kailangang pumili ng sarili nating landas; walang sinumang makagagawa nito para sa atin. Tanging ang mga matatapat at nagpapasakop sa katotohanan ang mga taong may pagkatao. Makakamit lamang natin ang papuri ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng realidad.

2 Ang paghahanap sa katotohanan, pagmamahal sa Diyos, at pagpapasakop sa Kanya ang pinakamahalaga sa pananampalataya ng tao. Tanging ang mga tumatanggap sa paghatol at pagkastigo Niya at nadalisay ang matatalino. Walang halaga o kabuluhan ang paghahanap sa posisyon, katanyagan, kayamanan, o banidad; tanging ang mga gumaganap ng kanilang mga tungkulin at nagsasagawa ng katotohanan ang mga alagad ng Diyos. Kung ang isang tao ay nakakapagsambit lamang ng mga teorya, nang hindi naisasagawa ang katotohanan, kung gayon lahat ng kanyang ginagawa ay walang katuturan. Sa pamamagitan lamang nang tunay na pagmamahal sa Diyos at pagbibigay ng mabuting patotoo maisasabuhay ng isang tao ang tunay na buhay ng tao. Ang paghatol at pagkastigo, at pagpupungos at pagwawasto—lahat ay pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos. Ang pagtayong saksi kapag dumarating ang mga pagsubok at pagpipino ang pinakalumuluwalhati sa Diyos. Pinakamalinaw na ipinakikita ng pagdurusa at mga pagsubok kung ang isang tao ay mayroong realidad ng katotohanan. Makapagpapatotoo lamang tayo sa Diyos kapag nakilala natin Siya at nakamit natin ang katotohanan; ang paghahanap sa katotohanan at pagkamit ng pagbabago ng disposisyon ay ang tanging paraan tungo sa tagumpay.

Sinundan: 277 Determinadong Sundin ang Diyos

Sumunod: 279 Nilikha Mo, Ako’y Iyo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito