242 Ang Pagtanggi Kay Cristo ng mga Huling Araw ay Paglapastangan sa Banal na Espiritu
I
Nakikilala mo ba’ng daan ng katotohanan?
Tiyaking ‘di kalabanin si Cristo?
Nasusundan mo ba’ng gawain ng Espiritu?
Ang ‘di nakakilala sa Mesiyas,
nagawang labanan si Jesus.
Yaong ‘di nauunawaan si Jesus
ay kayang tanggiha’t laitin Siya,
isiping pagbabalik Niya’y panlilinlang ni Satanas.
At mas marami’ng huhusga kay Jesus
na nagbalik sa katawang-tao.
‘Di ba kayo natatakot?
Maaari mong malapastangan ang Espiritu,
sinisira salita Niya sa iglesia,
tinatanggihan salita ni Jesus.
Ano’ng mapapala niyo kay Jesus
kung kayo’y litung-lito?
Malalaman ba’ng gawain sa pagbabalik Niya
kung mga mali niyo’y itutuloy niyo?
II
Ang ‘di tumatanggap sa katotohanan
pero hinihintay si Jesus sakay ng puting ulap
ay nilalapastangan ang Espiritu.
Sila ang mga pupuksain.
Hangad niyo’y biyaya ni Jesus,
ligaya ng langit ang tanging nais;
ngunit salita Niya’y ‘di niyo sinusunod
ni katotohana’y tinatanggap
sa Kanyang pagbabalik.
Ano’ng ihahandog niyo
sa pagbabalik Niya sakay ng puting ulap?
Taimtim niyong pangungumpisal
kahit kayo’y nagkakasala pa rin?
Iaalay niyo ba ang mga taon
ng gawain na ‘pinagmamalaki niyo?
Pa’no Siya magtitiwala
sa inyo na mayayabang,
katotohana’y nilalabanan?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa