733 Lubhang Kulang sa Katwiran ang mga Tao
1 Hindi gumagawa ang mga tao ng mataas na kahilingan sa kanilang mga sarili, pero mataas ang kanilang hinihingi sa Diyos. Hinihingi nila sa Kanya na maging napakabait sa kanila, at maging matiisin at mapagtimpi sa kanila, itangi sila, pagkalooban sila, at pati na ang ngitian sila, at pangalagaan sila sa napakaraming paraan. Inaasahan nila na hindi Siya maging istrikto man lamang sa kanila o gawan ng anumang bagay na hindi nila magugustuhan, at nasisiyahan lamang kung kinakausap Niya nang malambing araw-araw. Ang mga tao’y napakakulang sa katinuan! Hindi malinaw sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin, kung ano ang dapat nilang tuparin, kung anong mga pananaw ang dapat nilang taglayin, kung anong posisyon ang dapat nilang panindigan upang paglingkuran ang Diyos, at kung anong posisyon ang angkop na paglagyan ng kanilang sarili. Ang mga taong may kaunting katayuan ay may napakataas na pagtingin sa kanilang sarili, nguni’t yaong walang katayuan ay bahagya ring mataas ang tingin sa kanilang sarili. Kailanma’y hindi nakikilala ng mga tao ang kanilang sarili.
2 Sa ngayon, napakarami ninyong hinihingi, at ang mga ito ay masyadong labis-labis. Ang pagkakaroon ng napakaraming pantaong intensyon ay nagpapatunay na ikaw ay hindi nakatayo sa tamang posiyon; napakataas ng iyong kinalalagyan, at tiningnan mo ang iyong sarili bilang napakarangal—na tila ba hindi ka higit na mababa sa posisyon kaysa sa Diyos. Samakatuwid ay mahirap kang pakitunguhan, at ito mismo ang kalikasan ni Satanas. Dapat marating ang isang punto sa inyong paniniwala sa Diyos kung saan, paano man Siya magsalita sa inyo, gaano man Siya kahigpit, at gaano man Siya maaring hindi mamansin, nagagawa mo na manatiling naniniwala nang walang reklamo at patuloy na tinutupad ang tungkulin tulad ng dati. Sa gayon, ikaw ay magiging isang nasa gulang at makaranasang tao, at totoong magkakaroon ng kaunting tayog at kaunting katinuan ng isang normal na tao. Hindi hihingi sa Diyos, hindi na magkakaroon pa ng labis-labis na mga pagnanasa, at hindi na hihiling pa sa iba o sa Diyos ayon sa sariling kagustuhan at di-kagustuhan. Ipakikita nito na sa ano’t anuman, taglay ninyo ang wangis ng isang tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi