48 Napakakaibig-ibig ng Buhay-Iglesia

1 Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, nilalakasan namin ang aming mga tinig sa pagpuri sa Iyo. Ikaw ang nagdala sa amin sa harap ng trono upang dumalo sa piging na ito. Dinidiligan kami ng mga salita Mo, at natatamasa namin ang Iyong pagmamahal. Ang pamumuhay sa Iyong presensiya sa bawat araw ay pinupuno ng tamis ang aming mga puso. Ang Iyong mga pagbigkas ay inaakay kami sa pamumuhay ng isang bagong buhay. Sa pagsasagawa at pagdanas ng Iyong mga salita, nakikita namin kung gaano talaga kahalaga ang katotohanan. Sa pag-unawa rito, hindi na kami napipigilan ng mga panuntunang pangrelihiyon. Napakakaibig-ibig ng buhay-iglesia. Pupurihin namin ang Diyos magpakailanman!

2 Tunay na karangalan namin ang sumailalim sa paghatol ng Diyos. Sa pagtanggap sa paghatol ng Kanyang mga salita, malinaw naming nakikita kung gaano kami napakatiwali. Sa kabila ng pagiging napino sa pamamagitan ng pagdurusa, nalinis kami sa aming mga satanikong disposisyon. Pumapasok kami sa katotohanang realidad, at nakikita namin ang mga pagpapala ng Diyos. Nahatulan kami, nakakamit namin ang katotohanan, at nagkaroon na ngayon ng bagong buhay. Sa pagwaksi sa aming katiwalian, kami ay muling isinilang, at nalasap ang lubos na realidad ng pagmamahal ng Diyos. Ang pagkamit sa katotohanan ay nagpapalaya sa amin at nagdudulot sa amin ng taos-pusong galak. Napakakaibig-ibig ng buhay-iglesia. Pupurihin namin ang Diyos magpakailanman!

3 Kaming magkakapatid ay magkakasundong nakikipag-ugnayan, namumuhay sa loob ng mga salita ng Diyos. Minamahal at sinusuportahan namin ang isa’t isa, at iisa ang aming mga puso. Isinasagawa namin ang katotohanan, kami’y dalisay at bukas, at hinahangad na maging tapat na mga tao, simpleng minamahal ang Diyos, nang walang anumang panlilinlang o paghingi. Kaming magkakapatid ay tulong-tulong na gumagawa upang magpatotoo sa Diyos, ibinibigay namin ang lahat para ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian, tinutupad ang aming mga tungkulin nang buong puso at kaluluwa upang mapalugod ang kalooban ng Diyos. Napakakaibig-ibig ng buhay-iglesia. Pupurihin namin ang Diyos magpakailanman!

4 Ang paghatol ng Diyos ay isang pagpapala; nadalisay kami nito. Ang mga salita Niya ang katotohanan; ang mga ito ang naging buhay namin. Sa espiritu at nang may katapatan, sinasamba namin ang Diyos, namumuhay kami sa liwanag; ang kaharian ni Cristo ang maganda naming tahanan. Hindi maihahambing ang aming kasiyahan sa pamumuhay sa buhay-iglesia. Ang mapasaamin ang Diyos at mapasaamin ang Kanyang patnubay ang pinakamalalaking pagpapala. Sa pamamagitan ng taos-pusong pagmamahal sa Kanya at pagkamit sa Kanyang papuri, namumuhay kami ng pinakamasasayang buhay. Napakakaibig-ibig ng buhay-iglesia. Pupurihin namin ang Diyos magpakailanman!

Sinundan: 47 Kay Saya sa Buhay-Simbahan

Sumunod: 49 Ang Kalangitan Dito’y Labis Ang Pagka-asul

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito