47 Kay Saya sa Buhay-Simbahan
1 Tayong magkakapatid ay naparito sa harap ng Diyos. Kay sayang kumain at uminom ng Kanyang mga salita. Sinasabi ninyo ang inyong mga karanasan, at ibinabahagi ko naman ang aking pagkaunawa. Sinusuportahan at tinutulungan nating magkakapatid ang bawat isa. Kapag mas nagbabahagian tayo ng mga salita ng Diyos, mas nalilinawan tayo, nagkakaroon ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan at pagninilay sa ating sarili, nakikita natin ang ating katiwalian at mga kakulangan. Nanalangin sa Diyos at naghahanap nang taimtim, hayagan at mula sa puso tayong nakikipag-usap sa Kanya. Hindi mahalaga sa Diyos kung gaano kalalim ang pagkaunawa natin sa katotohanan; natutuwa Siya tuwing sinasabi natin kung ano ang nasa ating mga puso. Nagdudulot ang buhay-simbahan ng napakalaking kagalakan; maaari tayong unti-unting lumago sa ating buhay. Tunay na tahanan natin ang kaharian ni Cristo. Ang mga nagmamahal sa Diyos ay nagpupuri sa Kanya magpakailanman.
2 Tayong magkakapatid ay naparito sa harap ng Diyos. Kay sayang kumain at uminom ng Kanyang mga salita. Nagpapasakop tayo sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at tinatanggap ang matabas at maiwasto at madisiplina. Inaayos ng Diyos ang lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay upang subukan at pinuhin ang ating pananampalataya. Nauunawaan natin ang mabubuting hangarin ng Diyos, at na ang lahat ng ginagawa Niya ay upang tulungan tayong makamit ang katotohanang buhay. Sa pamamagitan ng pagdanas sa Kanyang mga salita at pagsasagawa ng katotohanan, nakakamit natin ang mas maraming katotohanan at mas maraming realidad. Tinutupad natin ang ating mga tungkulin, inihahandog ang ating debosyon at nagpapatotoo upang mabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Nagdudulot ang buhay-simbahan ng napakalaking kagalakan; maaari tayong unti-unting lumago sa ating buhay. Tunay na tahanan natin ang kaharian ni Cristo. Ang mga nagmamahal sa Diyos ay nagpupuri sa Kanya magpakailanman.