279 Nilikha Mo, Ako’y Iyo
Ⅰ
Sa maraming saya at lungkot, pagbabagong walang humpay.
Hinagupit ng hangin at basa ng ulan,
susunod sa Iyong mga yapak.
Panganib at hirap ay patunay ng pag-ibig at pagsinta.
Nahuhumaling na puso ko’y sumasamba sa’Yo
na may pag-ibig na walang maliw.
Ilang beses bang naging tagsibol ang taglamig?
Pait pagkatapos ay tamis, natikmang isa-isa.
Lipas na ang taglagas, sinasamyo ko ang mga bulaklak.
Ang mga pagbabago sa buhay ng sundalo,
alam ko ang nasa puso Mo.
Nagdusa Ka pagpasok Mo sa mundong ito.
Hinagupit ng hangin at ulan, walang naawa sa’Yo.
Itinaboy ng mga tao, di-masambit ang sakit.
Pero hangarin ng puso’y kita sa Iyong mga salita.
Ang mga salita Mo, dumidilig sa puso ko, hanggang kaibuturan.
Puso ko, bumubuti, sumasamba sa’Yo.
Kailan magkakaisa ang ating mga puso?
Nilikha Mo ako, at ako’y Iyo.
Walang hanggang kasalanan ang mawalan ng pananampalataya.
Mga luha sa ‘Yong sugatang puso’y papahirin ko.
Hiling Mo’y ipagkakaloob, puso ko’y ibinibigay sa’Yo.
Ⅱ
Pag wala Ka na, mahirap malaman kung kailan Ka babalik.
Masakit na paghihiwalay, nasasaktan sa pagluha.
Dito lang ako, ‘di ako aalis, parang madudurog ang puso ko.
Mga mata’y nasasabik, sa Iyong pagbalik.
Kapanglawa’y hindi ko maitago.
Nakaluhod ako’t tagos sa kaluluwa ang pagsisisi.
Malapit na kaibigan, pero malayo sa isa’t isa.
Munting alay sa harapan Mo.
Pag nagkikita tayo, nakangiti Ka sa akin.