251 Itangi ang Pagkakataong Ibigin ang Diyos
1 Biglang naaalala ang nakaraan, marami akong pinagsisisihan. Labis kong natamasa ang pag-ibig ng Diyos, subalit pasakit lamang lahat ang ibinigay ko sa Kanya. Sinabi kong iniibig ko ang Diyos, ngunit ang puso ko ay puno ng mga makasariling pagnanasa. Pabaya lamang ako sa aking tungkulin at ninasa ang kasiyahan ng laman. Nang ang pag-uusig, paghihirap at mga pagsubok ay dumating sa akin, naging mahina ang puso ko, at nagsimula akong magreklamo. Nangako akong susuklian ang pag-ibig ng Diyos, ngunit hindi ko makaya ang mga pagsubok. Nagkukunwaring matapat, wala akong binigkas kundi hungkag na mga salita, ninanais lamang na dayain ang Diyos para ako’y pagpalain Niya. Inisip ko lamang ang sarili kong hinaharap at hantungan, walang pagmamalasakit sa kalooban ng Diyos. Nakatayo sa harapan ng Diyos, pakiramdam ko ay malayo ang puso ko sa Kanya. Ang nakaraan ay puno ng hindi makayanang mga alaala.
2 Palaging nasa akin ang pag-ibig ng Diyos, ang Kanyang mga salita ay binibigyan ako ng kaliwanagan, pinapatnubayan ako at pinangungunahan ako. Nahatulan at nakastigo na ako nang maraming beses, nakaranas na ako ng napakaraming mga pagsubok at pagpipino. Sa wakas, ang matigas at manhid na puso ko ay nagsisimulang magising at manumbalik. Nakikita ko kung gaano ako kamakasarili at kasuklam-suklam, at kung paano ko naiwala ang aking pagkatao at katwiran matagal nang panahon. Kung wala ang awa at pagliligtas ng Diyos, paano ako makakaraos hanggang ngayon? Naiinis ako na huli na akong nagising at na napakaraming pagkakataon ang napalampas ko upang matamo ng katotohanan. Napakasakit nang naging kabayaran ng Diyos upang iligtas ako. Sa harap ng pag-ibig at pagliligtas ng Diyos, paano ko pa magagawang magrebeldeng muli? Makapamumuhay lamang ang tao nang walang pagsisisi sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan, pagmamahal sa Diyos at pagbibigay-kasiyahan sa Kanya. Kahit na dumaranas ng matitinding pagsubok at pagdurusa, tutuparin ko pa rin ang aking tungkulin na suklian ang Diyos. Itatangi ko ang aking mga huling araw at itatalaga ang wagas kong pag-ibig sa Diyos.