252 Nais Kong Ihandog ang Aking Katapatan sa Diyos

1 Upang pagpalain at makapasok sa kaharian ng langit, nanahan ako sa Sambahayan ng Diyos. Bagama’t ginagampanan ko ang tungkulin ko, nahaluan ito ng aking saloobin nang pakikipagkasundo. Sa pamamagitan ng paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos, malinaw kong nakita ang katotohanan ng aking katiwalian. Ako’y makasarili at mapanlinlang; matagal ko nang naiwala ang aking konsiyensiya at katwiran. Walang pagod na tinuturuan ako ng Diyos gamit ang Kanyang mga salita, umaasang magbabago sa madaling panahon ang aking tiwaling disposisyon; naghihintay at umaasa ang Diyos, katulad ng isang ina na naghihintay sa pagbabalik ng kanyang anak. Naaalala ko ang biyaya ng Diyos at napuno ako ng pagsisisi. Tunay na hindi ako dapat maghimagsik sa Kanya o linlangin Siya. Kinasusuklaman ko ang aking malalim na katiwalian; sa hindi paghahanap sa katotohanan, labis kong nasugatan ang puso ng Diyos. Napalampas ko ang maraming pagkakataong magawang perpekto; napakaraming magandang oras ang nawala na. Paano ako magpapatuloy na maghimagsik at sugatan ang Diyos? Gusto kong hanapin ang katotohanan at isabuhay ang wangis ng isang tao.

2 Nagsikap akong isagawa ang mga salita ng Diyos para maaari kong makamit ang katotohanan. Sa tuwing nabubunyag ang aking katiwalian, tinatanggap ko ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Bagama’t may pagdurusa at paghihirap, mayroon akong mga salita ng Diyos upang patnubayan ako. Sa pagkakilala sa kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos, ang paggalang sa Kanya ay lumago sa aking puso. Kinamumuhian ko ang aking sarili sa pagnanasa sa mga pang-aliw at nagpapasyang maging maalalahanin sa kalooban ng Diyos at isagawa ang katotohanan. Sa pag-iisip sa nakaraan, naaalala ang biyaya ng Diyos, nakikita kong ang Diyos lamang ang pag-ibig. Nagbago lamang ako dahil sa palaging pagtabas at pagwasto, pagsubok at pagpino. Hindi ko nasuklian ang napakalawak na biyaya ng Diyos; labis akong nakonsiyensiya at hindi karapat-dapat na makita ang Kanyang mukha. Sa pagkamit ng biyaya ng Diyos, nagpapasalamat ako at lalo kong pahahalagahan ang mga natitirang araw ko. Nais kong mabuhay para sa Diyos sa isang beses na ito, na maging isang tapat na tao na nagluluwalhati at nagpapatotoo sa Kanya. Ihahandog ko ang aking katapatan Diyos; tutuparin ko ang tungkulin kong suklian ang pag-ibig Niya.

Sinundan: 251 Itangi ang Pagkakataong Ibigin ang Diyos

Sumunod: 253 Tanging Kahilingan Ko ay Masiyahan ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito