250 Napakatunay ng Pag-ibig ng Diyos
1 O Diyos! Ikaw ay naging tao, mapagkumbaba at nakatago, at nagpahayag ng katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan, ngunit hindi Kita nakilala, at naghahatol kahit hindi tiyak tungkol sa Iyo batay sa aking sariling mga haka-haka. Napakahangal at bulag ko! O Diyos! Pinagdusahan Mo ang lubos na kahihiyan alang-alang sa kaligtasan ng tao, ngunit ako ay walang alam sa Iyong kalooban. O Diyos! Ipinahayag Mo ang katotohanan at nagbigay ng buhay sa tao, ngunit hindi pa rin ako naghanap o nagsiyasat. Iginapos ako ng mga kuro-kurong pang-relihiyon; bulag, sinamba ko ang mga pastor ng relihiyon at sumunod sa tao. Nakita Mo ang lahat ng iyon, at isinapuso iyon; hanggang sa wakas, Ikaw ay nagsalita, ang Iyong mga salita ay tumatawag sa aking puso. O! Bakit ako naniwala sa Iyo at nanalangin sa Iyo, ngunit hindi ko makilala ang Iyong tinig? O! Bakit ako naniwala sa Iyo, ngunit sa halip ay sinunod ko ang tao, isinangtabi Ka? Ikaw ay matiyaga at mapagparaya sa akin, hinihintay akong magising mula sa aking pagkakatulog. Sa wakas, ako ay ginising ng Iyong mga salita; nakilala ang Iyong tinig, ako ay bumalik sa Iyo.
2 O Diyos! Ang Iyong mga salita ng paghatol ang lumupig sa akin at ako ay yumuko sa harap Mo. Sa gitna ng Iyong mga salita ng paghatol at pagkastigo, nakita ko kung gaano kalalim ang aking katiwalian. O Diyos! Ikaw ay walang pag-iimbot sa Iyong sakripisyo na magdala ng kaligtasan sa sangkatauhan, samantalang ang aking pagpapakasakit at paggugol ay alang-alang lamang sa pagiging pinagpala. O Diyos! Taimtim Mong inasahan na hahanapin ng tao ang katotohanan, samantalang ang tanging hinanap ko ay katayuan at karangalan. Ako ay naniwala sa Iyo, ngunit hindi alam kung gaano kahalaga ang katotohanan; nagpatuloy akong mabuhay sa aking tiwali, satanikong disposisyon. Ang disposisyon ko ay mayabang, mapanlinlang, at kasuklam-suklam; talagang hindi ako angkop na mabuhay sa harap Mo. O! Nang dahil sa mga pahayag at paghatol ng Iyong mga salita kaya nakilala at kinamuhian ko ang aking sarili. O! Nang dahil sa Iyong paghatol, mga pagsubok, at mga pagpipino kaya naalis ko ang aking katiwalian at nagsimula ng panibago. Mapalad ako na magtamasa ng Iyong paghatol at pagkastigo; nilinis ang aking tiwaling disposisyon. Tunay na ito ang Iyong sukdulang pagmamahal at pagliligtas. Gugugulin ko ang aking buong buhay sa pagbabayad sa Iyo para sa Iyong pagmamahal.