487 Hindi Makakapaghangad ng Buhay ang Isang Tao Kung Wala ang Salita ng Diyos
Sa paghahangad ng buhay, dapat mong bigyan pansin ang dalawang bagay: una, ang pag-unawa sa katotohanang napapaloob sa mga salita ng Diyos; pangalawa, ang pag-unawa sa sarili mo sa loob ng mga salita ng Diyos. Ang dalawang bagay na ito ang pinakapangunahin. Walang buhay o katotohanan sa labas ng mga salita ng Diyos. Kung hindi mo hinahanap ang katotohanang napapaloob sa mga salita ng Diyos, saan, kung ganoon, mo ito puwedeng hanapin? Saan ba may katotohanan sa daigdig? Wala ni isang katiting ng katotohanansa lahat ng mga aklat ng daigdig! Ang mga pinakamahalagang bahagi ng pag-unawa sa katotohahang napapaloob sa mga salita ng Diyos ay ang pag-unawa sa Diyos sa loob ng mga salita Niya, pag-unawa sa buhay ng taong napapaloob sa mga salita Niya, pag-unawa sa lahat ng aspeto ng katotohanang napapaloob sa salita Niya, at tunay na pagpasok sa pagkaunawa sa sarili at pagtuklas sa kahulugan ng pag-iral ng mga tao sa loob ng mga salita ng Diyos…. Lahat ng katotohanan ay napapaloob sa mga salita ng Diyos. Hindi ka makakapasok sa katotohanan maliban kung ginawa ito sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ang pangunahing kalalabasang kailangan mong maabot ay ang malaman kung ano ang magkaroon ng tunay na pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Sa tunay na pag-unawa sa mga salita ng Diyos, mauunawaan mo ang katotohanan: Ito ang pinakapangunahing bagay.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao