486 Ang Pagsasangkap sa Iyong Sarili ng mga Salita ng Diyos ang Iyong Unang Prayoridad
Ⅰ
Para malaman ang realidad
at makita ang gawain ng Diyos,
ito’y makikita mo sa salita ng Diyos.
Sa salita lang Niya ikaw maliliwanagan,
sarili mo’y sandatahan pa ng Kanyang salita.
Pagkaunawa sa salita ng Diyos, ibahagi sa iba.
Kung sa pagbabahagi mo, mga tao’y maliliwanagan,
at sa ganito landas ay maituturo sa kanila,
ang landas na ito’y tunay at praktikal.
Ang trabaho mo, na agarang prayoridad
ay sangkapan ang sarili mo ng salita ng Diyos.
Kailangan mong unahin ito bago
gumawa ang Diyos ng sitwasyon para sa iyo.
Ⅱ
Unang dapat gawi’y kaini’t inumin Kanyang salita.
Sa lahat ng bagay na ‘di mo nagagawa,
dapat mong hanapin ang landas mula sa Kanyang salita,
saliksikin ito para sa sagot sa kahirapa’t problema.
Lahat ng salita ng Diyos ay pagkunan ng iyong suplay,
tumutulong sa iyong lutasin ang praktikal na paghihirap,
tinutulutan Kanyang salita na sa buhay ika’y tulungan.
Ito ay kailangan mo talagang pagsikapan.
Ang trabaho mo, na agarang prayoridad
ay sangkapan ang sarili mo ng salita ng Diyos.
Kailangan mong unahin ito bago
gumawa ang Diyos ng sitwasyon para sa iyo.
Ⅲ
Kaini’t inumin salita ng Diyos nang magkamit ng resulta,
matutong patahimikin ang iyong puso sa harapan ng Diyos.
Isagawa ang Kanyang salita kapag nahaharap sa problema;
Kapag wala kang problema, uminom lang at kumain.
Magdasal, isipin pag-ibig ng Diyos,
ibahagi ang alam mo sa Kanyang salita,
ibahagi ang kaliwanagan sa kalooban,
ibahagi ang reaksiyon mo sa Kanyang salita,
akayin ang mga tao sa landas na susundan—
ito’y praktikal na bagay.
Ang mithiin ng paggawa nito’y gawing
iyong tunay na suplay ang mga salita ng Diyos.
Ang trabaho mo, na agarang prayoridad
ay sangkapan ang sarili mo ng salita ng Diyos.
Kailangan mong unahin ito bago
gumawa ang Diyos ng sitwasyon para sa iyo,
bago gumawa ang Diyos ng sitwasyon para sa iyo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal