264 Hindi Ako Mabubuhay Kung Wala ang Pagkastigo at Paghatol ng Diyos
I
Kung ‘di dahil sa paghatol ng Diyos,
‘di ko kailanman iibigin ang Diyos,
mamumuhay pa rin sa sakop ni Satanas,
sa ilalim ng kontrol at utos nito.
Hinding-hindi ako magiging tunay na tao,
‘pagkat ‘di ko mapapalugod ang Diyos,
at ‘di mailalaan ang lahat ko sa Diyos.
‘Di man ako pinagpapala ng Diyos,
walang kapayapaan o galak,
ramdam kong may nag-aapoy sa loob ko,
walang kaginhawahan, natutuwa pa rin ako.
‘Pagkat pagkastigo’t paghatol ng Diyos
ay laging nasa ‘kin,
upang makita’ng matuwid Niyang disposisyon.
‘Yan ang halaga’t kahulugan ng buhay.
Pagkastigo’t paghatol ng Diyos,
‘yan ang nagligtas sa ‘kin.
‘Di ko kayang mabuhay kung wala’ng
pagkastigo’t paghatol ng Diyos.
II
Kahit pangangalaga’t proteksyon Niya’y
nagiging malupit na paghatol,
sumpa’t pagpalo, ako’y nasisiyahan sa lahat,
nililinis at nilalapit ako sa Diyos,
dinadalisay pag-ibig ko sa Kanya,
upang magawa ko’ng tungkulin bilang nilalang,
malaya sa impluwensya ni Satanas,
‘di na paglilingkuran pa.
Si Satanas ang naghahari sa buhay ko.
Kung wala’ng paghatol ng Diyos,
ako’y mamumuhay sa sakop ni Satanas,
at ‘di ng makabuluhang buhay.
Kung ‘di ako iiwan ng paghatol ng Diyos,
saka lang ako malilinis Niya.
Masasakit Niyang salita’t disposisyong matuwid
tinutulutan akong mabuhay sa liwanag Niya.
Pagkastigo’t paghatol ng Diyos,
‘yan ang nagligtas sa ‘kin.
‘Di ko kayang mabuhay kung wala’ng
pagkastigo’t paghatol ng Diyos.
III
Ang mapalaya’ng sarili kay Satanas,
magawang mapalinis,
ang mamuhay sa ilalim ng nasasakupan
ng Diyos, ng Diyos,
ito’ng pinakadakilang pagpapala
sa buhay ko ngayon, ngayon.
Pagkastigo’t paghatol ng Diyos,
‘yan ang nagligtas sa ‘kin.
‘Di ko kayang mabuhay kung wala’ng
pagkastigo’t paghatol ng Diyos.