229 Naging Balakid na ang Biblia sa Pagtanggap ng Tao sa Bagong Gawain ng Diyos
I
Sa Biblia lahat nais mahanap
propesiya ng gawain ng mga huling araw,
matuklasan mga tanda’t
gagawin Niya sa mga huling araw.
Pagsamba nila sa Biblia’y mas taimtim,
at nang papalapit sa mga huling araw,
sa propesiya’y mas maraming naniniwala,
lalo na tungkol sa mga huling araw.
Sa bulag na paniniwala sa Biblia,
‘di nila hanap gawain ng Banal na Espiritu.
Biblia’y nagiging balakid na
sa pagtanggap sa bagong gawain Niya’t
mahirap sa Diyos palaganapin
bagong gawain Niya, bagong gawain Niya!
II
Sa tao, Biblia lang kayang maghatid
ng gawain ng Espiritu’t mga yapak ng Diyos,
na ito’y may sikreto tungkol sa gawain Niya’t
kayang ipaliwanag ang tungkol sa Diyos.
‘To’y makakahatid gawain ng langit sa lupa’t
maging simula’t wakas ng mga panahon.
Sa gan’tong kuru-kuro, tao’y ‘di nais
maghanap sa gawain ng Banal na Espiritu.
Kahit Biblia’y tumulong sa tao noon,
‘to’y naging balakid sa bagong gawain.
III
Kung walang Biblia, hahanapin ng tao
yapak ng tunay na Diyos saanman,
ngunit yapak Niya’y hawak ng Biblia.
Paglalaganap ng bagong gawai’y mas mahirap.
Ito’y dahil sa mga kilalang kasabihan
at mga propesiya sa Biblia.
Biblia’y nagiging balakid na
sa pagtanggap sa bagong gawain Niya’t
mahirap sa Diyos palaganapin
bagong gawain Niya, bagong gawain Niya!
IV
Tao’y iniidolo ang Biblia,
nagiging palaisipan sa utak nila.
‘Di makapaniwalang makagagawa’ng Diyos
sa labas ng Biblia.
‘Di makapaniwalang mahahanap
ang Diyos sa labas ng Biblia
o Diyos ay maaring lumihis mula rito
sa huling gawai’t magsimulang muli.
Hindi ito sukat maisip ng tao;
hindi nila ito mapaniwalaan.
Biblia’y nagiging balakid na
sa pagtanggap sa bagong gawain Niya’t
mahirap sa Diyos palaganapin
bagong gawain Niya, bagong gawain Niya!
Biblia’y nagiging balakid na
sa pagtanggap sa bagong gawain Niya’t
mahirap sa Diyos palaganapin
bagong gawain Niya, bagong gawain Niya!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1