591 Ihandog ang Katapatan Mo sa Tahanan ng Diyos
Ⅰ
Sa lupa, masasamang espiritu’y umaali-aligid:
Naghahanap ng mapapahingahan,
ng katawan ng tao upang lamunin.
Kailanman ikaw ay ‘di dapat kumilos tulad dati
at gawin isang bagay sa harap ng Diyos,
at isa ay sa likuran Niya.
Magiging malayo ka sa pagtubos,
kung kilos mo’y ganito.
‘Di ba nasabi Niya na ito nang sapat sa ‘yo?
Bayan ng Diyos! Manatili sa alaga at proteksyon Niya.
Bayan ng Diyos! ‘Wag hayaang maging
walang kontrol o padalus-dalos!
Bayan ng Diyos! Ihandog katapatan mo sa tahanan ng Diyos.
Katapatan lang ang makakapagtaboy sa linlang ng diyablo.
Bayan ng Diyos! Bayan ng Diyos!
Ⅱ
Ito’y dahil kalikasan ng tao’y walang pag-asa
napaalalahanan ka na Niya nito
nang paulit-ulit alang-alang sa’yo.
Lahat ng sabi Niya’y nang matiyak ang kapalaran ninyo.
Kailangan ni Satanas ay isang
mabaho’t maruming lugar lang.
Mas malabong kayo ay matutubos,
at mas walang kontrol kayo,
at mas malabong kayo ay mapipigil,
mas maraming maruming espiritu’ng sasalakay.
‘Pag kayo’y nasa posisyong ito,
inyong katapatan magiging satsat, magiging satsat,
paninindigan niyo’y kakainin ng demonyo,
naging pagsuway at linlang ni Satanas.
Magugulo’ng gawain ng Diyos,
mapaparusahan ka ng kamatayan.
Nguni’t walang may paki,
kahit na ang sitwasyon ay malubha.
Bayan ng Diyos! Manatili sa alaga at proteksyon Niya.
Bayan ng Diyos! ‘Wag hayaang maging
walang kontrol o padalus-dalos!
Bayan ng Diyos! Ihandog katapatan mo sa tahanan ng Diyos.
Katapatan lang ang makakapagtaboy sa linlang ng diyablo.
Ⅲ
‘Di Niya aalalahanin kung ano’ng nagawa,
nguni’t maghihintay ka bang Siya’y magiging
maluwag sa’yo at mapatawad ka ulit?
Kahit tao’y tumutol sa Diyos,
‘di Niya ikasasama ng loob,
pagka’t tayog ng tao’y kapos,
Diyos ‘di humihingi nang malaki.
Tanging kailangan Niya’y tao’y magpasakop
sa pagpipigil at ‘wag sayangin ang sarili.
‘Di n’yo ba kayang sumunod?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 10