510 Kailangan Mong Magpatotoo sa Diyos sa Lahat ng Bagay

I

Sa likod ng mga eksena noong sinubok si Job,

si Satanas ay nakipagpustahan sa Diyos.

At ang talagang nangyari kay Job

ay mga gawa at panghihimasok ng tao.

Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing

isinasagawa sa inyo ng Diyos

ay palaging pusta ni Satanas sa Diyos.

Sa likod ng lahat ay may labanan.


Lahat ng ginagawa ng Diyos sa mga tao

ay parang pakikipag-ugnayan lang ng tao,

na parang mula sa mga pagsasaayos

at pakikialam ng tao.

Ngunit sa likod ng mga eksena,

bawat hakbang ng gawain,

at lahat-lahat ng nangyayari

ay isang pusta lamang ni Satanas

sa harap ng Diyos,

nangangailangan ng matatag

na patotoo ng tao sa Diyos.


II

Kung may pagtatangi ka sa iba,

gugustuhin mong magsalita

ng ‘di ikalulugod ng Diyos.

Kung ‘di mo sasabihin, mababalisa ka’t

magsisimula sa ‘yo ang isang labanan.

May labanan sa lahat ng hinaharap mo.

At kapag may labanan sa loob,

dahil nakikipagtulungan ka’t nagdurusa,

gagawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ‘yo.


Sa wakas ay maisasantabi mo na

ang pangyayari sa ‘yong kalooban.

Ang galit ay likas na nawawala.

Nangyayari ito kapag

nakikipagtulungan ka sa Diyos.

Sa lahat ng ginagawa ng mga tao,

kailangan nilang magsakripisyo

sa kanilang gawain.

At kung walang pagdurusa,

‘di nila mabibigyang kasiyahan ang Diyos.


III

Sa panahong ang Diyos at si Satanas

ay naglalaban sa espirituwal na dako,

paano mo dapat subukang

bigyang kasiyahan ang Diyos,

at manindigan sa pagpapatotoo?

Malaman mong lahat ng nangyayari sa iyo

ay isang panahon ng malaking pagsubok sa iyo.

At ito ang oras na kailangan ka ng Diyos

na magpatotoo sa Kanya.


Lahat ng ginagawa ng Diyos sa mga tao

ay parang pakikipag-ugnayan lang ng tao,

na parang mula sa mga pagsasaayos

at pakikialam ng tao.

Ngunit sa likod ng mga eksena,

bawat hakbang ng gawain,

at lahat-lahat ng nangyayari

ay isang pusta lamang ni Satanas

sa harap ng Diyos,

nangangailangan ng matatag

na patotoo ng tao sa Diyos.


Kahit na tila’y ‘di mahalaga,

ipinapakita ng mga bagay na ito

kung mahal mo o hindi ang Diyos.

Kung oo, maaari kang tumayong

saksi para sa Kanya.

Kung ‘di mo naisagawa ang pag-ibig sa Diyos,

ipinapakita nito na ‘di mo

isinasagawa ang katotohanan,

na ika’y ipa, walang katotohanan at buhay.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

Sinundan: 509 Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad

Sumunod: 511 Magpatotoo sa Diyos sa Lahat ng Bagay Upang Masiyahan ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito