5. Paano Ka Kailangang Manalig sa Diyos upang Maligtas at Magawang Perpekto?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Para maging tumpak, ang pagtahak sa landas ni Pedro sa pananalig ng isang tao ay nangangahulugan ng pagtahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan, na siya ring landas para tunay niyang makilala ang kanyang sarili at mabago ang kanyang disposisyon. Sa pamamagitan lamang ng pagtahak sa landas ni Pedro mapupunta ang isang tao sa landas ng pagpeperpekto ng Diyos. Dapat maging malinaw sa isang tao kung paano ba talaga tumahak sa landas ni Pedro, gayundin kung paano ito isagawa. Una, dapat munang isantabi ng isang tao ang kanyang mga sariling intensyon, mga di-wastong paghahangad, at maging ang kanyang pamilya at lahat ng bagay na para sa kanyang sariling laman. Dapat buong-pusong mag-ukol ang isang tao; na ang ibig sabihin, kailangang ganap niyang ilaan ang kanyang sarili sa salita ng Diyos, magtuon sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, tumutok sa paghahanap sa katotohanan at sa mga pagnanais ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang maarok ang mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. Ito ang ginawa ni Pedro pagkatapos niyang makita si Jesus, at sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa ganitong paraan nakakamit ng isang tao ang pinakamahusay na mga resulta. Ang buong-pusong debosyon sa salita ng Diyos ay pangunahing kinapapalooban ng paghahanap sa katotohanan at sa mga pagnanais ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pag-arok sa mga layunin ng Diyos, at pag-unawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang mga salita ng Diyos, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya. Sa halip, siya ay nakatuon sa pag-arok sa katotohanan at pag-arok sa mga layunin ng Diyos, gayundin sa pagtatamo ng pagkaunawa sa disposisyon at pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Sinubukan din ni Pedro na unawain ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, gayundin ang kalikasang diwa, at aktuwal na mga pagkukulang ng tao, kaya madali niyang natutugunan ang mga hinihingi ng Diyos upang mapalugod ang Diyos. Nagkaroon si Pedro ng napakaraming wastong mga pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos. Ito ang pinakanaaayon sa mga layunin ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na paraan ng pakikipagtulungan ng tao habang nararanasan ang gawain ng Diyos. Noong dumaranas ng daan-daang pagsubok na ipinadala ng Diyos, mahigpit na ikinumpara ni Pedro ang kanyang sarili sa bawat salita ng paghatol at paglalantad ng Diyos sa tao—at sa bawat salita ng Kanyang mga hinihingi sa tao—sinuri ang kanyang sarili, at sinikap na tumpak na unawain ang kahulugan ng mga salita ng Diyos. Masigasig niyang pinagbulay-bulayan ang lahat ng sinabi sa kanya ni Jesus, mahigpit na isinasaisip ang bawat salita—nagbunga ng napakagagandang resulta ang pamamaraang ito. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, nagawa niyang makilala ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at hindi lang niya nagawang maunawaan ang iba’t ibang tiwaling kalagayan at kakulangan ng tao, kundi nalaman din niya ang diwa at kalikasan ng tao. Ipinapakita nito na tunay na kilala ni Pedro ang sarili niya. Mula sa mga salita ng Diyos, sa isang banda, nagkamit si Pedro ng tunay na kaalaman sa sarili niya, at sa kabilang banda, nakita niya ang matuwid na disposisyong ipinahayag ng Diyos, ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos, ang mga layunin ng Diyos para sa Kanyang gawain, at ang mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan. Mula sa mga salitang ito ay tunay niyang nakilala ang Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos, at sa Kanyang diwa; nakilala at naunawaan niya ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos, gayundin ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos para sa tao. Bagama’t ang Diyos ay hindi gaanong nagsalita noong panahong iyon kagaya ng Kanyang ginagawa sa kasalukuyan, nagkaroon ng bunga kay Pedro sa mga aspektong ito. Ito ay isang bihira at napakahalagang bagay. Dumaan si Pedro sa daan-daang pagsubok; hindi siya nagdusa nang walang-saysay. Hindi lamang niya nakilala ang kanyang sarili mula sa mga salita at sa gawain ng Diyos, kundi nakilala rin niya ang Diyos. Dagdag pa riyan, sa loob ng mga salita ng Diyos ay partikular siyang nagbigay-pansin sa mga hinihingi ng Diyos sa tao at sa mga aspekto na kung saan dapat tugunan ng tao ang Diyos para maging naaayon sa mga layunin ng Diyos, at nagawa niyang pagsikapan nang husto ang mga bagay na ito, nagkakamit ng ganap na kalinawan. Lubhang kapaki-pakinabang ito pagdating sa kanyang buhay pagpasok. Alinmang aspekto ito ng mga salita ng Diyos, basta’t nagagawa ng mga salitang iyon na magsilbing buhay at katotohanan, inukit ni Pedro ang mga ito sa puso niya, kung saan niya madalas na pagbulayan at arukin ang mga ito. Nang marinig ang mga salita ni Jesus, nakaya niyang isapuso ang mga ito, na nagpapakita na siya ay espesyal na nakatuon sa mga salita ng Diyos, at tunay na nakamtan niya ang mga resulta sa huli. Ibig sabihin, nakaya niyang mahusay na isagawa ang mga salita ng Diyos, tumpak na isagawa ang katotohanan at kumilos ayon sa mga layunin ng Diyos, gawin ang mga bagay nang ganap na naaayon sa mga pagnanais ng Diyos, at isuko ang kanyang sariling personal na mga opinyon at imahinasyon. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa realidad ng mga salita ng Diyos. Ang serbisyo ni Pedro ay umayon sa mga layunin ng Diyos, pangunahing dahil sa ginawa niyang ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro

Upang hangaring maperpekto ng Diyos, kailangan munang maunawaan ng isang tao kung ano ang ibig sabihin ng maperpekto Niya, gayundin kung anong mga kundisyon ang kailangan niyang tugunan upang maperpekto. Kapag nauunawaan na niya ang gayong mga bagay, kailangan niyang maghanap ng isang landas ng pagsasagawa. Upang maperpekto, kailangan siyang magkaroon ng partikular na kakayahan. Maraming tao ang hindi likas na may sapat na kakayahan, sa ganoong kaso kailangan mong magbayad ng halaga at magsikap nang husto. Kapag mas masahol ang iyong kakayahan, mas kailangan mong magsikap nang husto. Kapag mas nauunawaan mo ang mga salita ng Diyos at mas isinasagawa mo ang mga iyon, mas mabilis kang makakatahak sa landas ng pagiging perpekto. Sa pamamagitan ng pagdarasal, maaari ka ring maperpekto patungkol sa pagdarasal; maaari ka ring maperpekto sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pag-unawa sa diwa ng mga ito, at pagsasabuhay ng realidad ng mga ito. Sa pagdanas ng mga salita ng Diyos araw-araw, dapat mong malaman kung ano ang kulang sa iyo; bukod pa riyan, dapat mong makilala ang iyong depekto na ikapapamahak mo at ang iyong mga kahinaan, at manalangin at magsumamo sa Diyos. Sa paggawa nito, unti-unti kang mapeperpekto. Ang landas tungo sa pagiging perpekto ay: pagdarasal; pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos; pag-unawa sa diwa ng mga salita ng Diyos; pagpasok sa karanasan ng mga salita ng Diyos; pag-alam kung ano ang kulang sa iyo; pagpapasakop sa gawain ng Diyos; pagiging mapagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos at paghihimagsik laban sa laman sa pamamagitan ng iyong mapagmahal-sa-Diyos na puso; at pagsali sa malimit na pakikibahagi sa iyong mga kapatid, na maaaring magpayaman sa iyong mga karanasan. Buhay mo man ito sa komunidad o iyong personal na buhay, at malalaking pulong man ito o maliliit, lahat ay maaaring magtulot sa iyo na magkaroon ng karanasan at tumanggap ng pagsasanay upang ang puso mo ay matahimik sa harap ng Diyos at makabalik sa Kanya. Lahat ng ito ay bahagi ng proseso ng pagpeperpekto. Ang pagdaranas ng mga salita ng Diyos, gaya ng binanggit kanina, ay nangangahulugan ng tunay na pagtikim sa mga ito at pagtutulot sa sarili mo na isabuhay ang mga ito, upang magkaroon ka ng mas matinding pananampalataya at pagmamahal sa Diyos. Sa ganitong paraan, unti-unti mong maiwawaksi ang iyong tiwali at satanikong disposisyon; maiwawaksi mo ang iyong mga di-wastong motibo; at maisasabuhay mo ang wangis ng isang normal na tao. Kapag mas matindi ang pagmamahal mo sa Diyos sa iyong kalooban—ibig sabihin, mas malaking bahagi mo ang naperpekto ng Diyos—mas hindi ka malulukuban ng katiwalian ni Satanas. Sa pamamagitan ng iyong mga praktikal na karanasan, unti-unti kang makakatahak sa landas ng pagiging perpekto. Sa gayon, kung nais mong maperpekto, napakahalagang isaalang-alang ang ang mga layunin ng Diyos at maranasan ang Kanyang mga salita.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maging Mapagsaalang-alang sa mga Layunin ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto

Kung naniniwala ka sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kung gayon ay dapat kang maniwala na ang mga pang-araw-araw na pangyayari, mabuti man o masama ang mga ito, ay hindi basta na lamang nagaganap. Hindi ito dahil may isang sinasadyang magpahirap sa iyo o pumuntirya sa iyo; lahat ng ito ay isinaayos at pinamatnugutan ng Diyos. Bakit pinamamatnugutan ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito? Hindi ito para ilantad kung sino ka o upang ibunyag at itiwalag ka; ang pagbubunyag sa iyo ay hindi ang panghuling layon. Ang layon ay gawin kang perpekto at iligtas ka. Paano ka ginagawang perpekto ng Diyos? At paano ka Niya inililigtas? Nagsisimula Siya sa pamamagitan ng pagpapabatid sa iyo ng iyong sariling tiwaling disposisyon, at sa pamamagitan ng pagpapaalam sa iyo ng iyong kalikasang diwa, ng iyong mga pagkukulang, at kung ano ang wala sa iyo. Tanging sa pag-alam sa mga bagay na ito, at pagkakaroon ng pagkaunawa sa mga ito, mo lamang makakayang hangarin ang katotohanan at unti-unting maiwaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Ito ang Diyos na nagkakaloob sa iyo ng pagkakataon. Ito ang awa ng Diyos. Dapat alam mong samantalahin ang pagkakataong ito. Hindi ka dapat makaramdam ng paglaban sa Diyos, makipagtalo sa Diyos, o magkamali ng pagkaunawa sa Kanya. Lalo na kapag naharap sa mga tao, pangyayari, at bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag mong palaging isipin na hindi ayon sa nais mo ang mga bagay-bagay, huwag palaging naisin na matakasan ang mga ito o palaging magreklamo tungkol sa Diyos at magkaroon ng maling pagkaunawa sa Diyos. Kung lagi mong ginagawa ang mga bagay na iyon, kung gayon ay hindi mo dinaranas ang gawain ng Diyos, at magiging napakahirap para sa iyo na pumasok sa katotohanang realidad. Anuman ang makaharap mo na hindi mo ganap na maunawaan, o na nagsasanhi sa iyong makaranas ng mga paghihirap, dapat mong matutuhang magpasakop. Dapat kang magsimula sa paglapit sa Diyos at higit na pananalangin. Sa ganyang paraan, bago mo pa mamalayan, magkakaroon ng pagbabago sa iyong panloob na kalagayan, at magagawa mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang iyong suliranin. Sa gayon, magagawa mong maranasan ang gawain ng Diyos. Habang nagaganap ito, ang katotohanang realidad ay mahuhubog sa loob mo, at sa ganito ka susulong at sasailalim sa isang pagbabago ng kalagayan ng iyong buhay. Sa sandaling napagdaanan mo na ang pagbabagong ito at nagtataglay ka ng katotohanang realidad na ito, magtataglay ka rin ng tayog, at sa tayog ay may buhay. Kung ang sinuman ay laging nabubuhay batay sa isang tiwaling satanikong disposisyon, kung gayon, gaano man kalaking kasiglahan o kalakasan ang mayroon siya, hindi pa rin siya maituturing na may angking tayog, o buhay. Gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, at anuman ang Kanyang pamamaraan, anong uri ng mga tao, pangyayari at bagay ang ginagamit Niya para magserbisyo sa Kanya, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layon: iligtas ka. At paano ka Niya inililigtas? Binabago ka Niya. Kaya paanong hindi ka magdurusa nang bahagya? Kakailanganing magdusa ka. Ang pagdurusang ito ay maaaring kapalooban ng maraming bagay. Una, kailangang magdusa ang mga tao kapag tinatanggap nila ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Kapag masyadong matindi at tahasan ang mga salita ng Diyos at nagkakamali ng pagkaunawa ang mga tao sa Diyos—at nagkakaroon pa ng mga kuru-kuro—maaaring masakit din iyon. Kung minsan ay nagpapalitaw ng sitwasyon ang Diyos sa paligid ng mga tao para ibunyag ang kanilang katiwalian, para pagnilayan at makilala nila ang kanilang sarili, at magdurusa rin sila nang kaunti pagkatapos. Kung minsan, kapag tuwiran silang pinungusan at inilantad, dapat magdusa ang mga tao. Parang inooperahan sila—kung walang pagdurusa, walang epekto. Kung sa tuwing ikaw ay pinupungusan, at tuwing ibinubunyag ka ng isang sitwasyon ay pinupukaw nito ang iyong puso at pinalalakas ka, sa pamamagitan ng ganitong mga uri ng karanasan ay makakapasok ka sa katotohanang realidad, at magkakaroon ng tayog.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao Mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Kanyang Paligid

Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, hinangad ni Pedro na bigyang-kasiyahan ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinangad na magpasakop sa lahat ng nagmula sa Diyos. Nagawa niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, gayundin ang pagpipino, kapighatian, at pagkasalat sa kanyang buhay, habang hindi bumibigkas ng kahit isang reklamo. Wala sa mga ito ang maaaring magpabago sa kanyang mapagmahal-sa-Diyos na puso. Hindi ba ito ang sukdulang pagmamahal sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilikha? Ito man ay sa pagkastigo, paghatol, o kapighatian, may kakayahan kang maging mapagpasakop hanggang kamatayan, at ito ang dapat makamit ng isang nilikha, ito ang kadalisayan ng pagmamahal sa Diyos. Kung makakamtan ng tao ang ganito, siya ay isang nilikhang pasok sa pamantayan, at wala nang ibang mas nagbibigay-kasiyahan sa mga layunin ng Lumikha.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Kung nais ng mga tao na maging buhay na mga nilalang at magpatotoo sa Diyos, at masang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos; dapat silang malugod na magpasakop sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang malugod na tanggapin ang pagpupungos ng Diyos. Saka lamang nila maisasagawa ang lahat ng katotohanang hinihingi ng Diyos, at saka lamang nila makakamit ang pagliligtas ng Diyos at magiging tunay na buhay na mga nilalang.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ikaw Ba ay Isang Taong Nabuhay Na?

Yaong mga taong wala ni katiting na pagpapasakop sa Diyos, na kinikilala lamang ang pangalan Niya, at mayroong kaunting muwang sa kabutihan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos, subalit hindi sumasabay sa mga hakbang ng Banal na Espiritu, at hindi nagpapasakop sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu—namumuhay ang ganitong mga tao sa gitna ng biyaya ng Diyos, at hindi Niya kakamtin o gagawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapasakop nila, sa pamamagitan ng pagkain, pag-inom, at pagtamasa nila sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagdurusa at pagpipino sa mga buhay nila. Tanging sa pamamagitan ng ganitong pananalig maaaring magbago ang mga disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila maaaring taglayin ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Ang pagiging hindi nalulugod sa pamumuhay sa gitna ng biyaya ng Diyos, ang aktibong pananabik at paghahanap sa katotohanan, at paghahangad na makamit ng Diyos—ito ang kahulugan ng sadyang pagpapasakop sa Diyos at ito ang mismong uri ng pananalig na nais Niya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pananampalataya Mo sa Diyos, Dapat Kang Magpasakop sa Diyos

Sinundan: 4. Ang Kabuluhan ng Gawain ng mga Pagsubok at Pagpipino ng Diyos

Sumunod: 1. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Diwa ng Pagkakatawang-tao?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito