248 Ang Basehan ng Diyos para Kondenahin ang mga Tao
I
Sa panahong ‘di pa nagkatawang-tao’ng Diyos,
ang sukatan kung kumalaban ang tao sa Diyos
ay batay sa kung ang tao’y sumamba’t umasa
sa ‘di-nakikitang Diyos sa langit.
Ang paraan ng pagtukoy
ng pagsalungat sa Diyos sa panahong ‘yon
ay ‘di ga’nong praktikal,
ang paraan ng pagtukoy
ng pagsalungat sa Diyos sa panahong ‘yon
ay ‘di ga’nong praktikal,
dahil ‘di kayang makita ng tao’ng Diyos,
ni alam kung ano ang wangis ng Diyos,
o paano Siya gumawa at magsalita.
Tao ay walang mga kuru-kuro sa Diyos,
at malabong naniwala siya sa Diyos,
dahil ‘di pa nagpakita ang Diyos sa tao.
Samakatuwid, pa’no man naniwala’ng tao
sa Diyos sa kanyang imahinasyon,
hindi kinondena ng Diyos ang tao
o humingi ng napakarami sa kanya,
dahil tao’y ganap na ‘di makita ang Diyos,
dahil tao’y ganap na ‘di makita ang Diyos.
II
‘Pag nagiging katawang-tao ang Diyos
at pumaparito upang gumawa kasama ang tao,
lahat ay napagmamasdan Siya’t
naririnig ang mga salita Niya,
at kita ng lahat ang mga ginagawa ng Diyos
mula sa katawang-tao Niya.
Sa sandaling ‘yon, lahat ng kuru-kuro
ng tao’y nagiging bula.
Yaon namang nakita na
ang pagkakatawang-tao ng Diyos,
sila’y ‘di kokondenahin
kung kusang-loob silang sumunod sa Kanya,
samantalang yaong sadyang
naninindigan laban sa Kanya’y
ituturing na kalaban ng Diyos.
Gan’tong mga tao’y anticristo,
mga kaaway na naninindigan laban sa Diyos.
Yaong nagkikimkim ng mga kuru-kuro sa Diyos
ngunit handa pa ring sumunod sa Kanya’y
‘di kokondenahin.
Kinokondena ng Diyos ang tao
batay sa mga layunin at mga kilos ng tao,
hindi kailanman sa mga kaisipan at ideya nito.
Kung kokondenahin Niya’ng tao
batay sa mga kaisipa’t ideya nito,
wala ni isang tao ang
makatatakas mula sa galit
na mga kamay ng Diyos.
III
Yaong kusang-loob na naninindigan
laban sa nagkatawang-taong Diyos
ay parurusahan sa pagsuway nila.
Ito namang mga taong kusang
naninindigan laban sa Diyos,
pagsalungat nila’y bunga
ng mga kuru-kuro nila sa Diyos,
na humahantong sa mga pagkilos nilang
nakagagambala sa gawain ng Diyos.
Mga taong ito’y sadyang lumalaban
at sumisira sa gawain ng Diyos.
Hindi lang sila may kuru-kuro sa Diyos,
sumasali rin sila sa mga aktibidad
na gumagambala sa gawain Niya,
at dahil dito mga taong tulad nito’y kokondenahin.
Yaong ‘di kusang gumagambala
sa gawain ng Diyos
ay ‘di kokondenahin bilang makasalanan,
dahil sila’y kusang sumusunod at ‘di sumasali
sa mga aktibidad na dulot ay gulo.
Mga taong tulad nito’y hindi kokondenahin.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos