247 Hangarin ang Daan ng Pagiging-Magkaayon kay Cristo
I
Pariseo’y kinasuhan si Jesus
sa ‘di pagsunod sa Lumang Tipan
at pagiging ‘di Mesiyas.
Kahit walang sala si Jesus,
ipinako Siya sa krus.
Bumalik Siya upang katotohana’y ihayag.
Tao’y ipagbabawal Siya sa mundo
upang marating nila ang langit.
Mas gugustuhing ikaila’ng katotohana’t
Siya’y ipakong muli
upang Biblia’y ipagtanggol.
Pa’no maliligtas ang tao
‘pag puso niya’y malisyoso’t
kalikasan niya’y laban sa Diyos?
Hanapin ang daan ng pagkakaayon kay Cristo.
II
Kahit Diyos namumuhay kasama ang tao,
‘di alam na Siya’y narito.
Kahit liwanag Niya’y nagniningning,
tao’y patuloy na mangmang
sa pag-iral ng Diyos.
‘Pag ‘pinapakita Niya’ng poot sa tao,
lalo Siyang ‘kinakaila.
Tao’y naghahanap ng paraang
maging kaayon sa mga titik at pati sa Biblia,
ngunit walang lumalapit sa harap ng Diyos,
hinahangad umayon sa katotohanan.
Tao’y tinitingala Siya sa langit
ngunit Siya’ng naging tao’y binabalewala,
dahil Siya’ng namumuhay kasama ng tao’y
masyadong ‘di mahalaga.
Hanapin ang daan ng pagkakaayon kay Cristo.
III
Yaong naghahangad maging kaayon lang
sa Biblia’t malabong Diyos,
kahabag-habag sa paningin Niya,
dahil sinasamba salitang patay
at ‘di umiiral na Diyos
na bigay ay yaman
at sa ilalim ng kontrol ng tao.
Kung gayon, ano’ng matatamo nila sa Diyos?
Kababaan ng tao’y ‘di mailalarawan.
Yaong mga laban sa Diyos,
hiling lamang nang hiling,
at ‘di mahal ang katotohanan,
magiging kaayon kaya sa Kanya?
Hanapin ang daan ng pagkakaayon kay Cristo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo