181 Ang Awtoridad at Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao ng Diyos
I
Ang nakamit na ng tao ngayon—
tayog, kaalaman, pag-ibig, at katapatan,
pagkamasunurin ng tao,
at lahat ng nakikita ng tao
ay nanggagaling sa paghatol ng salita.
Dahil dito tao’y kita ang
kamangha-manghang gawain ng Diyos:
Siya’y gumagawa ng labis
na tao’y ‘di kayang makamit;
malalaking misteryo at kababalaghan.
Samakatuwid marami ang nagpasakop na.
Walang makahihigit sa paghatol
ng Kanyang salita,
at walang kadiliman ang nangingibabaw
sa awtoridad Niya.
Tao’y nagpapasakop dahil sa Kanyang
pagkakatawang-tao’t awtoridad,
at paghatol ng Kanyang salita.
II
Yaong ‘di kailanman nagpasakop
ay lumuluhod sa Diyos
‘pag hinarap ng Kanyang salita.
Sila ay yumuyuko
sa paghatol ng Kanyang salita,
‘di kailanman nagsisiyasat
o humahatol gamit ang kanilang dila.
Katawang-tao ng Diyos ay lumalantad
na parang Siya ay karaniwan,
ngunit salita Niya’y ‘pinapakita ito sa tao:
Siya’y puno ng awtoridad
at Siya ang Diyos Mismo,
mga salita Niya ang pagpapahayag
ng Diyos Mismo.
Walang maaaring magkasala sa Kanya,
Siya ay katawang-taong Diyos.
III
Inihahatid ng nagkatawang-taong Diyos
ang salita Niya,
upang marinig at matanggap ng lahat
ang Kanyang paghatol.
Diyos ay ‘di nag-aanyong Espiritu
upang takutin ang tao na magpasakop.
Tunay na disposisyon ng tao,
kahit naitagong malalim,
ay nabubunyag nitong
totoo’t pambihirang gawain,
upang tao ay maaaring makilala at mabago ito.
Paghatol ng Diyos ay praktikal
at inihahatid gamit ang salita.
IV
Ito ang awtoridad at kabuluhan
ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
Walang makahihigit sa paghatol
ng Kanyang salita at walang kadiliman
ang nangingibabaw sa awtoridad Niya.
Tao’y nagpapasakop dahil sa Kanyang
pagkakatawang-tao’t awtoridad,
at paghatol ng Kanyang salita.
Ang gawaing dala ng katawang-taong laman
Niya’y awtoridad na tinataglay Niya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4