182 Ang Awtoridad ng Pagkakatawang-tao ng Diyos
‘Pag Diyos ay nagkakatawang-tao,
Siya’y kawangis ng ibang mga tao,
ngunit ang mga resulta
ng salita Niya’y nagpapakitang
Siya ang Diyos, puno ng awtoridad,
salita Niya’y pagpapahayag ng Diyos Mismo.
I
Nalalaman ng taong ‘di Siya dapat labagin,
hatol ng salita Niya’y ‘di maaaring higitan,
walang madilim na puwersa’ng
dadaig sa awtoridad Niya.
Tao’y nagpapasakop sa Kanya
dahil Siya ang Salitang naging laman,
dahil sa hatol ng Kanyang salita’t awtoridad Niya.
Gawaing dulot
ng Kanyang nagkatawang-taong laman
ay Kanyang awtoridad.
Katawang-tao’y maaari ding
magtaglay ng awtoridad,
Siya’y kayang magsagawa sa praktikal na paraan,
na nakikita’t nahahawakan;
dahilan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
II
Gawain ng katawang-tao Niya’y
mas makatotohanan
kaysa direktang gawain ng Espiritu,
Siyang nagtataglay ng awtoridad,
at mga resulta nito’y mas maliwanag,
‘pagkat ang nagkatawang-taong Diyos
ay praktikal na nagsasalita at gumagawa.
Panlabas na anyo ng Kanyang katawang-taong lama’y
walang awtoridad,
Siya’y maaaring lapitan ng tao,
habang diwa Niya’y
patuloy na nagtataglay ng awtoridad.
Ito’y awtoridad na walang nakakakita.
‘Pag Siya’y nagsasalita’t nagsasagawa ng gawain,
hindi matukoy ng tao awtoridad Niya,
kaya nagagawa Niya’ng gawaing praktikal.
III
At itong gawaing praktikal
ng nagkatawang-taong Diyos
nagkakamit ng resultang hinahangad.
Walang nakababatid ng taglay Niyang awtoridad,
o nakaaalam na Siya’y ‘di dapat malabag,
at tao’y ‘di makita Kanyang poot,
ngunit lahat nakakamit ng salita Niya
sa pamamagitan ng tago Niyang poot, at awtoridad.
Gawaing dulot
ng Kanyang nagkatawang-taong laman
ay Kanyang awtoridad.
Katawang-tao’y maaari ding
magtaglay ng awtoridad,
Siya’y kayang magsagawa sa praktikal na paraan,
na nakikita’t nahahawakan;
dahilan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
IV
Sa tono ng tinig Niya, mga salita ng karunungan
at mahigpit Niyang pagsasalita,
ang tao’y ganap na nakukumbinsi.
Sa paraang ito tao’y ganap na nagpapasakop sa
salita ng nagkatawang-taong Diyos,
na animo’y walang awtoridad.
Tinutupad nito layunin ng Diyos—
kaligtasan ng tao.
Isang layunin ng pagkakatawang-tao Niya
na salita Niya’y maging makatotohanan,
na maapektuhan ang tao
ng realidad ng mga salita Niya,
nang masaksihan nila,
kapangyarihan ng salita ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4