931 Ang mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos sa Pamamahala ng Lahat ng Bagay
Ⅰ
Sa paglipas ng mga siglo,
ang maliit na batis unti-unting dumaloy
sa paligid ng paanan ng bundok,
marahang sumusunod sa daang ginawa ng bundok.
Nakabalik ito sa bahay, sumama sa ilog,
at dumaloy sa dagat.
Sa pagkalinga ng bundok, ang agos,
ang agos ay ‘di kailanman nawala, di nawala.
Ang maliit na batis at ang malaking bundok,
sila’y umasa sa isa’t isa, pinigilan nila ang isa’t isa,
umasa sila sa isa’t isa.
Ⅱ
Sa paglipas ng mga siglo,
ang mabangis na hangin ay ‘di nagbago.
Palaging umuungol sa bundok,
umihip ng malaking buhawi ng buhangin,
pagbisita sa bundok, gaya ng dati.
Binantaan nito ang bundok,
ngunit ‘di kailanman sinira ang gitna.
Sila’y nagpatuloy sa parehong paraan tulad ng dati.
Ang mabangis na hangin at ang malaking bundok,
sila’y umasa sa isa’t isa, pinigilan nila ang isa’t isa,
umasa sila sa isa’t isa.
Ⅲ
Sa paglipas ng mga siglo,
ang malaking alon ay ‘di nagpahinga,
at ‘di tumigil sa paglawak.
Ito’y dadagundong at dadaluyong paulit-ulit.
Gayunpaman, ang malaking bundok
isa mang pulgada’y ‘di gumalaw kailanman.
Binantayan nito ang karagatan,
at ang mga nilalang sa dagat ay dumami at umunlad.
Ang malaking alon at ang malaking bundok,
sila’y umasa sa isa’t isa, pinigilan nila ang isa’t isa,
umasa sila sa isa’t isa.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII