653 Paano Tatanggapin ang Paghatol at Pagkastigo ng mga Salita ng Diyos
1 Para makilala mo ang iyong sarili, kailangan mong malaman ang iyong sariling mga pagpapahayag ng katiwalian, ang malalaki mong kahinaan, ang disposisyon mo, at ang kalikasang diwa mo. Kailangan mo ring malaman, hanggang sa pinakahuling detalye, yaong mga bagay na nahahayag sa iyong pang-araw-araw na buhay—ang iyong mga motibo, mga pananaw, at saloobin sa bawat bagay—kapag nasa mga pagtitipon ka, kapag kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, o sa bawat isyung kinakaharap mo. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito kailangan mong makilala ang iyong sarili. Para makilala mo nang mas malalim ang iyong sarili, kailangan mong sangkapan ang sarili mo ng mga salita ng Diyos; magkakamit ka lamang ng mga resulta kapag nakilala mo ang iyong sarili batay sa Kanyang mga salita.
2 Kapag tumatanggap ng paghatol ng mga salita ng Diyos, hindi tayo dapat matakot sa pagdurusa, ni hindi tayo dapat matakot sa sakit, at mas lalo nang hindi tayo dapat matakot na tumagos sa ating mga puso ang mga salita ng Diyos. Dapat ay basahin natin ang iba pa Niyang mga pahayag tungkol sa kung paano Niya tayo hinahatulan at kinakastigo at inilalantad ang ating mga tiwaling diwa. Kailangan nating basahin ang mga ito at mas sundin pa ang mga ito. Huwag nating ikumpara ang iba sa mga ito—ikumpara natin ang ating sarili sa mga ito. Hindi tayo nagkukulang sa kahit isa sa mga bagay na ito; kaya nating tapatang lahat ito. Dapat nating matanto na kailangan nating tanggapin ang bawat isa sa mga salitang sinambit ng Diyos, masarap mang pakinggan ang mga ito o hindi at nasasaktan man tayo o nasisiyahan. Iyon ang saloobing dapat nating taglayin sa mga salita ng Diyos.
3 Sa ating pananampalataya, kailangan nating matatag na panindigan na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan. Dahil ang mga ito nga ang katotohanan, dapat nating tanggapin ang mga ito nang makatwiran. Kinikilala o inaamin man natin ito o hindi, dapat ay lubos na tanggapin ang mga salita ng Diyos. Malalim ang mga salita ng Diyos. Lahat ng inihahayag ng Diyos ay tungkol sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at sa mga bagay na matibay at malalim na nakaugat sa kanilang buhay. Hindi ito mga panlabas na hitsura, at lalo nang hindi mga panlabas na pag-uugali. Sa gayon, hindi ka makakaasa sa hitsura para manatiling matatag sa mga salita ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kahalagahan ng Paghahangad sa Katotohanan at ang Landas ng Paghahangad Nito