654 Paano Tanggapin ang Katotohanan
Kung nais mong madalisay ang katiwalian mo at dumanas ng pagbabago sa disposisyon mo sa buhay, kailangan mong magkaroon ng pagmamahal sa katotohanan at kakayahang tanggapin ang katotohanan. Paano mo dapat tanggapin ang katotohanan? Ipinahihiwatig ng tanggapin ang katotohanan na anumang klase ang iyong tiwaling disposisyon o alinman sa mga lason ng malaking pulang dragon ang nasa iyong kalikasan, kinikilala mo ito kapag ibinubunyag ito ng mga salita ng Diyos, at nagpapasakop ka sa mga salitang ito; tinatanggap mo ang mga ito nang walang kundisyon, nang hindi nagdadahilan o sinusubukang mamili, at nakikilala mo ang iyong sarili ayon sa sinasabi Niya. Ito ang ibig sabihin ng tanggapin ang mga salita ng Diyos. Anuman ang sinasabi Niya, gaano man maaaring tumagos sa puso mo ang mga pagbigkas Niya, at anumang mga salita ang ginagamit Niya, matatanggap mo ang mga ito basta’t katotohanan ang sinasabi Niya, at kaya mong kilalanin ang mga ito basta’t umaayon ang mga ito sa realidad. Kaya mong magpasakop sa mga salita ng Diyos gaano kalalim mo man nauunawaan ang mga ito, at tinatanggap mo at nagpapasakop ka sa liwanag na ibinubunyag ng Banal na Espiritu at ibinabahagi ng iyong mga kapatid. Kapag umabot na sa isang punto ang pagtataguyod sa katotohanan ng gayong tao, maaari niyang matamo ang katotohanan at makamtan ang pagbabago ng kanyang disposisyon.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao