167 Sa Pag-ibig ng Diyos, Wala Akong Kinatatakutan
1 Inuusig at inaaresto ng CCP ang mga Kristiyano, nagbibigay ng pahirap at pagdurusa, walang saysay na umaasang mapigilan tayo sa pagsunod sa mga yapak ni Cristo. Binugbog ako ng masamang pulis, iniwan akong nasa bingit ng kamatayan, may mga sugat at pasa ang aking katawan, sa isang desperadong pagtatangkang puksain ang aking katawan at pananampalataya. Binantaan nila ako’t tinukso, sinusubukan akong puwersahin na ipagkanulo ang aking mga kapatid, binabalak na pilitin akong pagtaksilan ang Diyos, magsa-Judas at hindi Niya iligtas. Habang nasa nakakatakot na mga kalagayang ito, paulit-ulit kong naririnig ang mga salita ng Diyos sa aking mga tainga, pinahihintulutan akong makita ang mga tusong pakana ni Satanas at matatag na tumayo sa aking patotoo. Kahit na nahulog ako sa lungga ng demonyo, nang makita kong nasa tabi ko ang Diyos, hindi na ako nalungkot at naging negatibo, ngunit sa halip ay nagkamit ng lakas at katiyakan.
2 Matapos kong makumpleto ang aking sentensiya at makalaya, patuloy akong sinusubaybayan ng CCP, at hinihigpitan ang kalayaan ko. Tila ako’y nakakulong sa bahay. Madalas na sinisiyasat ng pulisya ang aking tahanan sa ilalim ng ilang maling dahilan, tinatanong ako kung naniniwala pa rin ba ako sa Diyos, dumadalo sa mga pagtitipon, at nagpapalaganap ng ebanghelyo. Madalas akong nagigising sa takot mula sa bangungot. Ang paggunita sa lahat ng pagpapahirap na tiniis ko ay pumupuno sa akin ng pangamba at sama ng loob. Humihiyaw ang puso ko dahil talagang isang napakasamang piitan ang Tsina. Walang kalayaan ang mga tao at puwersahan silang kinumbinsi, pati pananalita nila’y kontrolado. Ang sinasabing tinatamasa ng mga tao roon ang kalayaan sa pananalig ay isang kasinungalingan lamang na ginagamit ng CCP para linlangin ang mundo upang makapagtatag ng mabuting reputasyon. Inilalantad ng hayagang pagpatay na ito ang masamang kalikasan ng CCP. Tiyak ko na si Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Gaano man ako usigin ng CCP, determinado akong sundan si Cristo hanggang wakas. Kahit ito’y nangangahulugan ng pagsasakripisyo ng buhay ko, ako ay magiging matunog na saksi para sa Diyos. Hindi ko alam kung gaano katagal ang tila walang-katapusang gabing ito, ngunit sa paggabay ng pag-ibig ng Diyos at panghihikayat ng Kanyang salita, wala akong kinatatakutan.