Tanong 4: Nang nabuhay muli ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao. Siya nga ang naging Espiritu. At sa gayo’y nananahan sa atin ang Espiritung nagbibigay-buhay, pinagsasama ang espiritu at tayo’y magiging isa. Kaya pa’nong ’di tayo magiging Diyos? Sabihin nyo paano naman ako magkakamali?

Sagot: Sinabi mong, “Nang nabuhay muli ang Panginoong Jesus matapos Siyang ipako Siya ang naging Espiritu na nagbibigay-buhay.” May basehan ba ito sa salita ng Diyos? May sinabi ba Siya tungkol dito pagkabuhay? Wala nga Siyang sinabi kaya sa’n mo ibinase ’yan? Hindi ko pa narinig na sinabi Niya na magiging Espiritung nagbibigay-buhay Siya, ’di rin ’to pinatototohanan ng Espiritu. Anong basehan mo sa pagsasabi na naging Espiritung nagbibigay-buhay Siya pagkabuhay muli? Matapos mabuhay ulit, ay sinabi Niya, “Tatanggap ka ng kapangyarihan, matapos dumating ang Espiritu Santo sa’yo: at kayo’y magiging saksi sa’kin dun nga sa Jerusalem, Judea, at sa Samaria, at sa pinakamalayo pa(Mga Gawa 1:8). Hindi Niya sinabi na darating sa ’yo ang “Espiritung nagbibigay-buhay.” Kung ito’y talagang dapat na dumating, kung gano’n, bakit hindi Siya Mismo ang nagsabi nito? Pinipilit mong tawaging Espiritung nagbibigay-buhay ang Banal na Espiritu. Imahinasyon mo lamang ang lahat ng ito. Sumailalim man sila sa Banal na Espiritu at magkamit ng buhay, di pa rin ito Espiritung nagbibigay ng buhay. Ang Banal na Espiritu ay ang Banal na Espiritu. At paano man Siya gumawa, paano man Niya inililigtas at ginagawang perpekto ang sangkatauhan, lahat ng ito’y gawain ng Diyos. Tayong mga tao ay hindi tayo dapat magpaliwanag nang walang basehan, magsalita nang wala sa katwiran, o tangkaing bigyang-kahulugan ang Banal na Espiritu o ang Diyos dahil gusto natin. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain para lamang iligtas ang sangkatauhan. Alam nating ang Panginoong Jesus, bago o matapos man na ipako sa krus, ay tunay nga na tinubos ang sangkatauhan, at hindi Siya talaga nagbago. Kung hindi natin hahanapin ang totoo pero susubukan natin Siyang bigyang-kahulugan, pagpapahayag lang ito ng ating kademonyohan. Basahin natin ang mga talata ng Kanyang mga salita Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Espiritu sa loob ni Jesus, ang Espiritu sa langit, at ang Espiritu ni Jehova ay iisa lahat. Tinatawag itong Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos, ang Espiritung pinatindi nang makapitong beses, at ang Espiritung sumasalahat. Maisasagawa ng Espiritu ng Diyos ang maraming gawain. Nagagawa Niyang likhain ang mundo at wasakin ito sa pagpapabaha sa lupa; kaya Niyang tubusin ang buong sangkatauhan, at bukod pa riyan, kaya Niyang lupigin at lipulin ang buong sangkatauhan. Ang gawaing ito ay isinasagawang lahat ng Diyos Mismo …(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Umiiral Ba ang Trinidad?). “Ang diwa ng Diyos Mismo ay ang Espiritu, na matatawag na Banal na Espiritu o ang Espiritung pinatindi nang pitong ulit. Sa kabuuan, Sila ang Espiritu ng Diyos, bagama’t tinawag na ang Espiritu ng Diyos sa iba-ibang katawagan sa iba’t ibang kapanahunan. Iisa pa rin ang Kanilang diwa. Samakatuwid, ang gawain ng Diyos Mismo ay ang gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay walang iba kundi ang Banal na Espiritu na gumagawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao). Nakikita natin sa Kanyang mga salita na sa dalawang beses na nagkatawang-tao ang Diyos talagang tinubos Niya at iniligtas ang tao. Ang Banal na Espiritu ang gumagawa. Ito ang Diyos at ang Diyos ang Banal na Espiritu. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos sa pagkakatawang-tao man o sa paggamit sa tao ay resulta ng gawain ng Banal na Espiritu. Wala ring pwedeng makialam dito. Kaya nga ’wag nating subukang bigyang-kahulugan ito, na minsa’y iyon ang tawag tapos, Espiritung nagbibigay-buhay. Talagang hindi ito katanggap-tanggap. Nakakatawa ang maling ideyang ito.

Alam natin na ang gawain ng Panginoong Jesus ay gawain ng Banal na Espiritu, at siguradong ito’y Espiritu Niya, walang kaduda-duda ’to. Kaya naman ang Kanyang gawain at Kanyang mga pahayag ay sa Banal na Espiritu, bago at matapos Siyang ipako sa krus. Ito’y mananatiling Banal na Espiritu Ito’y hinding hindi magbabago magpakailanman. Ito ang gumagawa ng gawain, kahit ano pa man ang antas na naabot nito. Hindi naman sa nagagawa madalas ng Banal na Espiritu ang gawain at ginagawa naman ito ng Espiritung nagbibigay-buhay o ng Espiritu ng pagkabuhay na muli. Masasabi ko na isa ’tong kalokohan. Makapangyarihan ang Banal na Espiritu at malawak ang saklaw ng Kanyang gawain. Hindi lang Niya binibigkas ang tinig ng Diyos, gumagawa rin Siya ng mga himala. Siya ang nagsusustento sa mga iglesia, at nagbibigay ng katotohanan, kaya din Niyang gawing perpekto ang tao, iligtas at pamunuan ang sangkatauhan. Ang Banal na Espiritu ay makapangyarihan nasa lahat ng dako at nagpupuno sa lahat ng bagay. Kung sasabihin natin na ang Diyos ang ganito o ganyang Espiritu ayon sa Kanyang mga kakayahan, hindi ba talagang nakakatawa ’yan? Tanging mga bulaang propeta, antikristo, at mga charlatan ang nagsasalita ng mga walang kapararakang bagay. Kasasabi mo pa lang na, “Ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa tao at humahalo sa’ting espiritu para maging isa.” Pa’no mo naman nasabi ito? Iyan ba ay may basehan? Pinagtibay ba ito ng Banal na Espiritu? Mayroon ka man lang bang ebidensya? Nang gawin ng Panginoon Jesus ang Kanyang gawain, hindi Niya sinabing hahalo ang Espiritu Niya sa tao. Wala ring sinabi ang Banal na Espiritu. At wala ring gano’ng propesiya sa Biblia. At sa lahat ng henerasyon ng mga banal, Mayroon na bang tao na ang espiritu’y humalo sa Espiritu Niya? Mayroon bang makapagpapatotoo riyan? Wala ni isa. Katunayan, sinumang may karanasan ay makapagpapatotoo na kapag iniimpluwensyahan ng Banal na Espiritu ang mga taong hinirang ng Diyos ginagawa Niya ito para ipaunawa ang katotohanan sa Kanyang mga salita para mas lalo nilang makilala ang Diyos Ngunit ito’y hindi kailanman maging buhay ng tao. Pag nagdarasal tayo sa Kanya minsa’y binibigyan Niya tayo ng lakas at pananampalataya. Pumapayag din Siyang madama ang presensya ng Diyos, at kung minsa’y nagbubunyag Siya sa’tin ng Kanyang salita upang maunawaan natin Siya. Ngunit di magiging buhay ng tao ang Banal na Espiritu. Alam ito ng nakararami. Kaya naman, ga’no man kadalas manalangin at makipagniig ang tao sa Diyos, hindi kailanman hahalo ang espiritu nila sa Espiritu ng Diyos Pag inimpluwensyahan ng Banal na Espiritu ang tao, Sila’y inaakay Niya sa katotohanan, makalaya sa kamay ni Satanas, ibinabalik sa panig ng Diyos para masunod at sambahin nila ang Makapangyarihang Diyos. Pag nagawa ito makukumpleto ang gawain ng pagliligtas, at ’di na sila tutulungan ng Banal na Espiritu, magkakaroon sila ng katotohanan bilang kanilang buhay, at dahil dito’y natupad na ng Banal na Espiritu ang Kanyang layunin. Walang batayan itong “Ang espiritu ng tao at ng Diyos ay makikihalubilo at magiging katulad.” Ito’y galing sa mga imahinasyon ng tao. Nakikita natin na ang mga nagkakalat ng mga maling ideya ay talagang nakakaabala sa gawain ng Diyos. Ikinakalat nila ito para lang linlangin at gambalain ang mga tao para hindi nila maunawaan ang kalooban at gawain ng Diyos. Masama at malisyoso ang kanilang motibo! Hangad ni Satanas na iligaw at linlangin ang tao, kaya iniimbento niya ang mga kasinungalingang ito para iligaw tayo Sa gayo’y nalilinaw nito ang ideyang “Naging tao ang Diyos para maging Diyos ang tao.” Gusto ni Satanas na tanggapin natin ang maling ideyang iyon. Mag-ingat tayo para malabanan natin si Satanas.

Ang totoo, ang ginagawa ng Banal na Espiritu, ay ang gawain ng pagliligtas. Lahat ay may kakayahang maranasan ito. Madalas bigyang liwanag ng Banal na Espiritu ang tao, at tinutulungang maunawaan ang katotohanan. Pinapayuhan, dinidisiplina, pinapanatag, at ginagabayan Niya ang tao para tulungan silang mabuhay. Ngunit ito’y ’di magiging buhay ng tao. Sa halip, sinusuri Niya ang tao para, tulungang maunawaan ang sarili. Lahat ng ginagawa ng Banal na Espiritu ay para iligtas ang tao. Sinumang may mga mata ay nakikita ito. Nasa Kapanahunan man ito ng Biyaya, o sa mga huling araw, ang gawain Nito ay hindi nagbabago. Kaya ang ideya na “Ang Banal na Espiritu ay nananahan sa ating kalooban at nagsasama ang dalawang espiritu upang maging isa” ay hindi umaayon sa aktwal na realidad ng gawain ng Diyos. Sa ngayon, hindi pa namin narinig na may tao sa Panahon ng Biyaya na ang espiritu ay nakaisa ng Espiritu ng Diyos, o nabuhay na tulad ng Diyos. At sa mga huling araw, hindi Niya sinabi na “Ang espiritu ng tao ay hahalo sa Espiritu ng Diyos at magiging isa, kaya ang tao ay magiging kagaya nya.” Kaya “Ang Banal na Espiritu ay nananahan sa ating kalooban at nagsasama ang dalawang espiritu upang maging isa” wala itong basehan sa salita ng Diyos, at pawang mga kathang-isip lang ng mga tao. Hindi ito naaayon sa totoong gawain ng Banal na Espiritu. Sigurado akong isa ito sa mga kasinungalingan ni Satanas Alam nating lahat na ang Diyos ang Panginoon ng lahat Wala rin Siyang kapantay, at tayo’y mga nilikha lamang Niya. Kahit dumaranas tayo ng gawain ng Diyos, hanggang mamuhay tayo sa katotohanan, kahit na may maisabuhay tayong konti nito, hindi kailan man tayo magiging Diyos. Basahin natin ang ilan pa sa Kanyang mga salita para maunawaan natin. At sinabi Niya, “Kahit na ang disposisyon ng tao ay itinatalaga ng Diyos—ito ay hindi mapag-aalinlanganan at maituturing na isang positibong bagay—ito ay naproseso na ni Satanas. Samakatuwid, ang buong disposisyon ng tao ay disposisyon ni Satanas. … Kahit na ang isang tao ay umiibig na sa Diyos hanggang sa puntong natatamasa na niya ang buhay ng langit sa lupa, kayang makapagbitaw ng mga pahayag na tulad ng: ‘O Diyos! Hindi Kita maiibig nang sapat,’ at narating na ang pinakamataas na dako, hindi pa rin masasabi na isinasabuhay niya ang Diyos o kumakatawan sa Diyos, dahil ang diwa ng tao ay hindi katulad ng sa Diyos, at hindi kailanman maisasabuhay ng tao ang Diyos, lalo na ang maging Diyos. Ang naipatnubay ng Banal na Espiritu sa tao na isabuhay ay alinsunod lamang sa kung ano ang hinihingi ng Diyos sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos). “Sa madaling salita, dapat itong maunawaan: Ga’no mo man maunawaan ang katotohanan, anuman ang iyong karanasan, at ga’no man kayo sumunod sa orkestrasyon ng Diyos, ga’no man kalaki o kalalim ang iyong buhay, ang buhay mo ay buhay pa rin ng tao, at ang tao’y hindi pwedeng maging Diyos; ito’y ganap at dapat maunawaan ng mga tao(“Alam Mo Ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Kung ang Diyos Mismo ang nagperpekto sa grupo ng malalaki at maliliit na Diyos, hindi ba ’yan gugulo? Gayon pa man, iyon ay imposibleng mangyari, isang malaking kalokohan, isang walang katotohanang konsepto mula sa mga tao at imposible. Tao lang ang pwede Niyang likhain, Hindi pwede ang Diyos; Siya’y maaari lang magkatawang-tao bilang isang imahe ng tao, ngunit hindi ibig sabihing nilikha Niya ang Diyos ang Kanyang Sarili, At may sarili Siyang sangkap na kailanman ay hindi magbabago(“Alam Mo Ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ginagawa Niyang malinaw lahat ng ito para maunawaan din natin. Ginawa ng Diyos ang langit at lupa, tao at iba pa. Matagal na ’yang katotohanan. Hindi Niya kailanman sinabi sa tao na lilikha Siya ng isang grupo ng mga Diyos. Sinabi lamang Niya na nilikha Niya ang tao sa Kanyang imahe Kahit na tayo’y ginawa sa imahen Niya, tao pa rin tayo dahil sa katotohanang nilikha Niya ang tao sa Kanyang imahe. Bakit kailangang baluktutin ng ilan ang Kanyang mga salita? Pa’no naging mali na lumikha ng tao ang Diyos sa Kanyang imahe? Ang pagsira ni Satanas sa tao ay masyadong malalim Kahit matapos silang iligtas, ang pagnanais nilang maging Diyos ay hindi nanghina, at naghahanap sila ng katibayan sa Kanyang salita, para kumpirmahin ang pagnanais na ito. Hindi ba ito ang disposisyon ng arkanghel? Sabihin ninyo, paano naging arkanghel si Satanas? Hindi ba dahil nais nitong maging Diyos at gusto rin nitong pumantay sa Kanya? Matapos ipatapon ng Diyos si Satanas, pinagpalagay nyang kanya ang lupa Nililinlang ni Satanas ang tao, naninira siya ta kumukontrol para sundin at sambahin nila si Satanas. Ito ang bunga ng pagsira ni Satanas sa sangkatauhan. Ang maling ideya na “Naging tao ang Diyos para maging Diyos ang tao,” ano sabihin nyo ano namang nagyayari? Hinihikayat nito ang tao na hangaring maging Diyos at pantayan ang Diyos. Ang sinumang nalinlang at nalason ng teoriyang ito’y magiging mayabang at mapagmataas at uutusan kahit sino na sundin siya, sundin at sambahin siya na parang Diyos, para masunod ang gusto niya. Ganap talaga nitong nilalabag ang kanyang mga layunin ng Diyos para iligtas ang tao Kaya saan nanggagaling ang mapanlinlang na teoriyang ito? Nanggaling ba ito sa tao o kay Satanas? Dapat natin itong kilatisin. Hindi nagmula ang teoriyang ito sa Banal na Espiritu. Maaari ito kay Satanas. Talagang tiwala nating masasabi na “Naging tao ang Diyos upang maging Diyos ang tao” ay isang malaking kasinungalingan mula kay Satanas. Walang talagang alinlanganan ito.

mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala

Sinundan: Tanong 3: Hindi magiging Diyos ang tao kahit na isabuhay natin ang imahe Niya. Buong-buo ko ’yung tinatanggap. Pero pag sinabi nating pwede siyang maging Diyos sa pagsabuhay sa imahe ng Diyos hindi natin tinutukoy ang Diyos at ang Kanyang pagkatao, kundi ang Diyos sa Kanyang disposisyon pero wala ang Kanyang pagkatao. Kung isinabuhay natin ang imahe Niya tayo’y magiging Diyos na may buhay Niya, yun nga lang, wala ang pagkatao Niya. Kaya ang pahayag na “naging tao ang Diyos at maaaring magiging Diyos ang tao” ay ganap na totoo.

Sumunod: Tanong 5: Hindi ko pa rin nauunawaan. May imahe ba ng Diyos si Cristo? Nais ng Diyos na tularan natin si Cristo, at sa huli kung maisabuhay natin si Cristo, hindi ba’t magkakaroon tayo ng imahe ni Cristo? Kung gayon hindi ba tayo magiging Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito