Tanong 5: Hindi ko pa rin nauunawaan. May imahe ba ng Diyos si Cristo? Nais ng Diyos na tularan natin si Cristo, at sa huli kung maisabuhay natin si Cristo, hindi ba’t magkakaroon tayo ng imahe ni Cristo? Kung gayon hindi ba tayo magiging Diyos?
Sagot: Sinasabi mo na sa pagtulad kay Cristo, ang isang tao ay maaaring mamuhay nang tulad ni Cristo at magiging Diyos. Kung gayon dapat muna nating maunawaan ang kakanyahan ni Cristo bago natin matukoy kung maaaring mamuhay ang tao nang tulad ni Cristo. Tingnan muna natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).
“Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga Cristo ang tinatawag sa mga sarili nila, subalit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi pati na rin ang partikular na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain kasama ng tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at katawanin nang mahusay ang Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
Si Cristo ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao, kaya’t ang kakanyahan ni Cristo ay kabanalan. Dito’y kailangan nating maunawaan na ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos ay nangangahulugan ng pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao. Ang Espiritu ng Diyos ay ang Banal na Espiritu, na ang Diyos Mismo. Ang kakanyahan ng buhay ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, mga pag-aari at pagkatao ng Diyos ay naging totoo sa katawang-tao. Dahil dito, ang buhay ni Cristo, ang disposisyon ni Cristo, at ang mga pag-aari at pagkatao ni Cristo ay nagmula sa pagiging totoo sa katawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Samakatuwid, si Cristo ay ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Sino ang makaaarok sa buhay ng Diyos? Ang buhay ng Diyos ay nangyari kay Cristo, kaya’t paano man hinahanap ng tao ang katotohanan, hindi siya kailanman maaaring mamuhay ayon sa kakanyahan ng buhay ni Cristo sapagkat si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang tao ay hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; wala sa kanya ang banal na kakanyahan. Paano siyang makapamumuhay nang tulad ni Cristo? Ito ay talagang imposible. May nagsabi na nais niyang tularan si Cristo at mamuhay nang tulad ni Cristo. Ito ay dahil sa hindi niya alam ang kakanyahan ni Cristo at sinasabi ang gayon kayabang na mga salita. Kung gayon, ang pahayag na “mamuhay na tulad ni Cristo” ay hindi balido. Si Cristo ang sagisag ng katotohanan. Ang kasaganaan ni Cristo ay walang hangganan. Gayunman, ang katotohanang ipinahayag ni Cristo ay may hangganan. Ito ay napakaliit na bahagi ng katotohanang ipinahayag batay sa tayog ng tao at sa kayang matamo ng tao. Kumpara sa kakanyahan ng buhay ni Cristo, ang mga katotohanang ito ay gaya ng isang patak sa karagatan. Kahit na maipamuhay ng tao ang maliit na bahagi ng katunayan ng katotohanan, magtaglay ng kaunting imahe ni Cristo, hindi ito maibibilang na talagang pamumuhay nang tulad ni Cristo. Ang pamumuhay nang tulad ni Cristo ay hindi kailanman matatamo ng tao. Gayunman hinahanap ng tao ang katotohanan, ang matatamo niya ay limitado. Tayo ay palaging mga sanggol sa harap ng Diyos, kaya’t hindi kailanman masasabi ng tao na kapag siya ay buhay, siya si Cristo. Ang pahayag na “Ang tao ay maaaring maging Diyos kung magagawa niyang mamuhay nang tulad ni Cristo” ay hindi talaga balido! Sinabi ni Pablo na siya si Cristo noong nabubuhay siya. Ito ay masyadong arogante at walang saysay. Ito ay hindi tugma sa katotohanan. Gusto ng ilang tao na tularan si Cristo. Hindi maaaring sabihin ng isang tao na ito ay mali. Upang tularan si Cristo, dapat tularan ng isang tao ang lubos na pagsunod ni Cristo sa Diyos, ang tunay na pagmamahal sa Diyos, pagsasagawa ng kalooban ng Diyos, at katapatan sa Diyos hanggang kamatayan. Ito ay pinupuri ng Diyos. Ngunit paano man natin tularan, totoo na hindi natin magagawang mamuhay nang tulad ni Cristo, sapagkat ang kakanyahan ng buhay ni Cristo ay sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi ito mula sa karanasan. Kaya’t hindi kailanman maaaring mamuhay ang isang tao nang tulad ni Cristo.
mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala