Tanong 3: Hindi magiging Diyos ang tao kahit na isabuhay natin ang imahe Niya. Buong-buo ko ’yung tinatanggap. Pero pag sinabi nating pwede siyang maging Diyos sa pagsabuhay sa imahe ng Diyos hindi natin tinutukoy ang Diyos at ang Kanyang pagkatao, kundi ang Diyos sa Kanyang disposisyon pero wala ang Kanyang pagkatao. Kung isinabuhay natin ang imahe Niya tayo’y magiging Diyos na may buhay Niya, yun nga lang, wala ang pagkatao Niya. Kaya ang pahayag na “naging tao ang Diyos at maaaring magiging Diyos ang tao” ay ganap na totoo.
Sagot: Ang Diyos ang Manlilikha. At iisa lang ang Diyos sa halip na marami. Ang disposisyon Niya at ang sangkap ng buhay Niya ay parehong natatangi. Imposible para sa Diyos na lumikha pa ng ibang Diyos. Dahil tao ang nilikha Niya at ang tao rin ang Kanyang ililigtas at kukunin. Hindi sinabi ng Diyos na gagawin Niyang Diyos ang mga tao. Ang sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Dahil sinasabi ng lahat ng tao na ang Diyos lamang ang nag-iisang tunay na Diyos, iisa ang Diyos, na hindi maaaring paghati-hatiin ninuman kung kailan niya gusto! Ang Diyos ay iisang Espiritu lamang, at iisang persona lamang; at iyon ang Espiritu ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Umiiral Ba ang Trinidad?). Natatangi ang Diyos. Siya ang nag-iisang Diyos at hindi mahahati sa magkakahiwalay na tao. Ang pagkakatawang-tao Niya ay ang pagiging tao ng Espiritu ng Diyos upang iligtas ang tao. Ang ganitong kasabihan ay hindi umiiral. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus, “Ako at ang Ama ay iisa.” Kaya makatitiyak tayong ang pananaw na may iba’t ibang tao ang Diyos ay mapanlinlang Na paghamak ni Satanas. Siya’y may balak na pigilan at guluhin ang gawain ng Diyos. Ayon sa sinabi niyo Mahahati ang Diyos na may pagkatao at Diyos na may disposisyong buhay na wala ang pagkatao. Kung ganon Magkakaro’n ng maraming Diyos at hindi magiging isa lang? Dati ang sinasabi niyo ay politeismo. Wala itong basehan sa Bibliya at ’di ayon sa salita Niya. Mali nga ’yon. Ang totoo Ang Kanyang buhay disposisyon pero walang pagkatao Niya ay talaga ngang hindi totoo. Walang ibang inaasahan ang nananalig kundi maligtas para makalaya kay Satanas at maging mga tao na may katotohanan. Ang pasayahin Siya ang kanilang hinahangad. Gayunpaman, ang mga nais maging Diyos ay si Satanas, Na siyang arkanghel. Kaya ang mga nag-imbento ng kalokohang ito na ang Diyos ay nagkatawang tao at ang tao’y magiging Diyos ay siguradong nagmula kay Satanas para guluhin at pigilan ang gawain ng Diyos. Mga antikristo na nanloloko ng tao. Walang duda tungkol dito.
Kahit dinanas natin ang gawain Niya hanggang wakas, at isinabuhay ang imahe Niya matapos gawing perpekto’y ’di pa rin tayo magiging Diyos. Dahil sa simula, nilikha Niya ang tao sa Kanyang imahe, at may luwalhati Niya sina Adan at Eba Masasabi ba nating Diyos na rin silang dalawa? Hindi Niya sinabi na Diyos sila. Dahill mga tao sila, mga taong hindi alam ang katotohanan at niloko ni Satanas. Ang pagkatawang-tao Niya ay para iligtas at gawing perpekto ang mga tao, at maging kaanib ng Katotohanan at sangkatauhan upang sundin at sambahin nila ang Diyos at maging banal na mga tao. Basahin natin ang Kanyang mga salita. “Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon, sa gayon ay makawala sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nagpatuloy ito hanggang sa mga huling araw, kung kailan ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa kanilang pagiging mapanghimagsik. Saka lamang tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Na ililigtas Niya ang tao sa anim na libong taong gawain ng pamamahala. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas dahil matapos ipahamak ni Satanas ang tao nagsimulang pagtaksilan ng tao ang Diyos Ang layunin ng Diyos ay mailigtas ang tao sa impluwensya ni Satanas, upang iwaksi ang tiwaling disposisyon at madalisay, para sundin at sambahin ng tao ang Diyos at umayon sa Kanyang kalooban. Wala ’tong kinalaman sa pagiging Diyos nila. Kailanman ay hindi Niya sinabing gagawing Diyos ang tao. Masyadong tayong ipinahamak ni Satanas. Kung makakamit natin ang kaligtasan Niya, at ang katotohanan, at maging kaanib nito at ng sangkatauhan at maging mga taong banal. Masasabing napakapalad natin. Pero bakit ang iba ay napaka-ambisyoso pa rin? Hindi ba sapat ang maligtas? Ba’t gusto pa nilang maging Diyos? Dahil kaya sa satanikong disposisyon? Hindi kaya ’to ang ambisyon ng arkanghel? At dahil sa kagustuhan nitong maging Diyos at tumayong kapantay ng Diyos, siya ay pinatapon ng Diyos mula sa langit. Mula rito’y makikita natin na sinumang gustong maging Diyos at magkalat ng mga maling ideya tungkol sa pagiging Diyos ay lubhang nalabag ang disposisyon ng Diyos at nakagawa ng napakabigat na krimen. Paggambala ito ni Satanas sa mga gawain ng Diyos, Si Satanas ay patuloy na nililinlang ang sangkatauhan at sinusulsulang labanan ang Diyos. Tiyak na susumpain silang lahat ng Diyos.
mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala