867 Diyos ang Walang-Hanggang Suporta ng Tao

1 Bagaman nabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus, hindi iniwanan ng Kanyang puso at ng Kanyang gawain ang sangkatauhan. Sa pagpapakita sa mga tao, sinabi Niya sa kanila na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. Sinabi Niya sa kanila na sa lahat ng oras at sa lahat ng dako ay magtutustos Siya sa sangkatauhan at magpapastol sa kanila, tutulutan silang makita at mahawakan Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalang-pag-asa. Ninais din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao na hindi sila nabubuhay nang mag-isa sa mundong ito. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos; kasama nila ang Diyos. Palagi silang makaaasa sa Diyos, at Siya ay pamilya sa bawa’t isa sa Kanyang mga tagasunod. Nang may Diyos na masasandalan, hindi na magiging malungkot o mawawalang-pag-asa ang sangkatauhan, at yaong tumatanggap sa Kanya bilang kanilang handog para sa kasalanan ay hindi na matatali sa kasalanan.

2 Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na isinakatuparan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli ay masyadong maliliit na bagay, nguni’t ang bawa’t isang bagay na ginawa Niya ay lubhang makahulugan, napakahalaga, lubhang importante at punung-puno ng kahalagahan. Bagaman ang panahon ng paggawa ng Panginoong Jesus sa katawang-tao ay puno ng mga paghihirap at pagdurusa, nagawa Niya nang ganap at perpekto ang Kanyang gawain sa panahong iyon sa katawang-tao na tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa Kanyang espirituwal na katawan ng laman at dugo. Sinimulan Niya ang Kanyang ministeryo sa pagiging-tao, at tinapos Niya ang Kanyang ministeryo sa pagpapakita sa sangkatauhan sa Kanyang makalamang anyo. Sa pamamagitan ng Kanyang pagkakakilanlan bilang Cristo, ipinahayag Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at isinakatuparan Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya at pinatibay at pinangunahan Niya ang lahat ng Kanyang mga tagasunod sa Kapanahunan ng Biyaya.

3 Masasabi sa gawain ng Diyos na tinatapos Niya talaga ang sinisimulan Niya. May mga hakbang at isang plano, at ang gawain ay puno ng Kanyang karunungan, ng Kanyang walang-hanggang kapangyarihan, ng Kanyang kamangha-manghang mga gawa, at ng Kanyang pag-ibig at habag. Ang pinakadiwa na nagpapatakbo sa lahat ng gawain ng Diyos ay ang Kanyang pangangalaga sa sangkatauhan; ito ay nangingibabaw sa Kanyang mga damdamin ng pag-aalala na hindi Niya maisantabi kailanman. Sa bawa’t isang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli, nabunyag ang hindi nagmamaliw na mga pag-asa at pag-aalala ng Diyos sa sangkatauhan, gayundin ang Kanyang mabusising pangangalaga at pagtatangi sa sangkatauhan. Walang anuman dito ang nagbago kailanman, hanggang sa kasalukuyan.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sinundan: 866 Ang Kahulugan ng Pagpapakita ni Jesus Matapos ang Kanyang Muling Pagkabuhay

Sumunod: 868 Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito