869 Nagdurusa Nang Matindi ang Diyos para Iligtas ang Tao
Ⅰ
Matagal nang pumarito ang Diyos sa mundo,
nagtiis ng tinitiis ng tao.
Matagal nang namuhay na sa piling ng tao,
walang nakatuklas na Siya’y narito.
Tahimik Niyang tinitiis ang hirap sa mundo,
isinasagawa ang gawaing dala Niya rito.
Para sa kalooban ng Diyos Ama
at mga pangangailangan ng tao,
nagdaranas Siya ng sakit na kailanman
di naranasan ng tao,
naglilingkod nang tahimik,
nagpapakumbaba sa kanila,
para sa kalooban ng Ama at
mga pangangailangan ng tao.
Ⅱ
Dahil kailangan ng gawain ng Diyos
na kumilos at magsalita Siya Mismo,
dahil tao ay hindi Siya kayang tulungan,
nagtitiis Siya ng matinding sakit
sa lupa para gawin ang gawain.
Tao ay hindi Siya kayang palitan.
Nanganib na ang Diyos nang higit pa kaysa rito
noong Panahon ng Biyaya
upang tirahan ng pulang dragon ay puntahan,
para gawin ang Kanyang sariling gawain,
ang tanging inisip Niya
ay tubusin ang sangkatauhan, na nasa putikan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Gawain at Pagpasok