870 Nagdurusa ang Diyos ng Matinding Hirap para sa Kaligtasan ng Tao
I
Sa pagkakataong ito, ang Diyos ay naging tao
upang gampanan ang gawaing
‘di pa Niya natatapos,
upang hatulan ang panahong ‘to at tapusin ito,
upang iligtas ang tao sa dagat ng pagdurusa,
lubusang lupigin ang tao,
at baguhin ang disposisyon ng tao.
Maraming pagpupuyat ang tiniis ng Diyos
upang palayain ang tao sa pagdurusa
at sa madidilim na puwersa
na kasing-itim ng gabi,
at alang-alang sa gawain ng tao.
Siya’y bumaba na sa pinakamataas
patungo sa pinakamababang lugar
upang mabuhay sa impiyernong ‘to ng mga tao’t
palipasin ang mga araw Niya kasama’ng tao.
‘Di kailanman nagreklamo’ng Diyos
sa panlilimahid sa gitna nila,
ni humiling nang labis sa tao;
sa halip, tiniis na ng Diyos
ang pinakamalaking kahihiyan
habang ‘sinasagawang gawain Niya.
Upang lahat ng tao’y matamasa’ng kapahingahan,
ang Diyos ay nagdusa ng kawalan
ng katarungan upang pumunta sa lupa,
at personal na pumasok sa yungib
ng tigre upang iligtas ang tao.
II
Napakaraming beses na Siyang
humarap sa mga bituin,
at umalis nang madaling-araw
at bumalik nang takipsilim;
nagtiis na Siya ng matinding paghihirap
at sumailalim na sa pagbali ng mga tao.
Dumating na’ng Diyos sa maruming lupaing ito,
tahimik na tinitiis ang pang-aapi ng tao,
ngunit ‘di Siya kailanman lumaban
o humingi nang labis sa mga tao!
Ginampanan na Niya’ng lahat ng gawaing
kailangan para sa tao:
pagtuturo, pagbibigay-liwanag, pagsaway at
pagpipino sa tao gamit ang salita Niya,
pati pagpapaalala, pag-aaliw,
paghatol at paglalantad sa kanila.
Ang bawat hakbang ng Diyos
ay alang-alang sa buhay ng mga tao,
upang sila ay malinis, upang malinis sila.
Sa kabila ng pagkuha
sa mga hinaharap at kapalaran nila,
lahat ng ginagawa ng Diyos
ay alang-alang sa tao.
Ang bawat hakbang Niya’y para sa pag-iral nila,
upang tao’y may magandang hantungan sa lupa.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Gawain at Pagpasok