875 Ang Kabuluhan ng Pagiging Tao ng Diyos ay Upang Magdusa sa Halip na ang Tao
1 Nagkatawang-tao ang Diyos upang magdusa sa ngalan ng tao, at dahil dito, Siya ang magsasanhi ng pagdating ng kamangha-manghang hantungan ng tao. Ang yugtong iyon ng gawaing tinapos ni Jesus ay nagsilbi lang bilang Kanyang pagiging wangis ng makasalanang laman at pagkakapako, pati na rin ang Kanyang pagsisilbi bilang isang handog para sa kasalanan at pagtubos sa buong sangkatauhan; naglatag ito ng saligan para sa pagpasok ng sangkatauhan sa kamangha-manghang hantungan nito sa hinaharap. Inako Niya ang mga kasalanan ng mga tao at ipinako sa krus at naging handog para sa kasalanan, kung saan pagkatapos nito ay tinubos ang sangkatauhan. Iyon ay, nagsilbi itong isang patunay kung saan maaaring mapatawad ang mga tao mula sa mga kasalanan nila at makaharap sa Diyos, at iyon ay, dagdag pa, isang ganting pagkilos sa digmaan laban kay Satanas.
2 Sa panahon ng mga huling araw, tatapusin ng Diyos ang gawain Niya at daldalhin sa katapusan ang lumang kapanahunan, at dadalhin Niya yaong mga nalalabing tao sa kanilang kamangha-manghang hantungan. Kaya, muli na namang nagkatawang-tao ang Diyos at, bukod sa paglupig sa sangkatauhan, dumating upang magtiis ng kaunting pagdurusa sa ngalan ng mga tao. Maaalis ang lahat ng pagdurusa ng sangkatauhan sa pamamagitan ng patunay na ito, ng gawang ito, na maglalaman ng pagpapatotoo ng Diyos para sa Kanyang Sarili at paggamit ng patunay na ito at ng patotoong ito upang talunin si Satanas, ipahiya ang diyablo, at ihatid ang kamangha-manghang hantungan ng sangkatauhan.
3 Dumating ang nagkatawang-taong Diyos upang gawin ang Kanyang gawain at upang danasin ang pasakit ng mundo. Mahalagang gawin ng Diyos ang gawaing ito, at lubha itong kinakailangan kapwa para sa sangkatauhan at para sa hantungan ng sangkatauhan sa hinaharap. Ginagawa ang lahat ng ito upang ihatid ang pagliligtas sa sangkatauhan at upang matamo ang mga tao; ang mga gawang ito ay ginagawa at ang pagsisikap na ito ay ginugugol para sa kamangha-manghang hantungan ng sangkatauhan. Pagkatapos Niyang ibalik ang mga tao sa pamamagitan ng pagdanas ng pagdurusa ng tao, hindi na magkakaroon si Satanas ng anumang magagamit nito laban sa kanila, at ganap na babaling ang sangkatauhan sa Diyos. Noon lang maituturing na ganap nang pag-aari ng Diyos ang mga tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kabuluhan ng Pagtikim ng Diyos ng Pagdurusa sa Mundo