288 Mahal Tayo ng Diyos Hanggang Ngayon

1 Dumating na sa sangkatauhan ang Diyos na nagkatawang-tao, at mapagpakumbaba at nakatago, ipinahahayag Niya ang katotohanan, dinaranas nang personal ang pagdurusa ng tao at natitikman ang lahat ng kapaitan at katamisan ng makamundong daigdig. Lumalakad Siya sa mga iglesia, dumaraan sa hindi mabilang na mga tagsibol, tag-init, taglagas, at taglamig. Hinahatulan at nililinis tayo ng Kanyang mga salita, inililigtas tayo mula kay Satanas. Ngayon lamang na atin nang nakaharap si Cristo saka natin nakikita na ang Diyos ang katotohanan. Nagising na ng Diyos ang ating mga puso, at nakikita natin kung gaano kalalim ang ating pagiging tiwali. Dahil sa Kanyang pagtitiyaga at pagpapaubaya kaya tayo ay nailigtas. Dinaranas natin ang kadakilaan ng pagliligtas ng Diyos; tunay na karapat-dapat Siya sa ating pagmamahal at pagpupuri.

2 Upang magdala sa sangkatauhan ng kaligtasan, dumanas ang Diyos ng lahat ng uri ng pagdurusa at nagbuhos ng dugo, pawis, at luha. Mahirap kalimutan ang mga tagpo ng nakaraan, at di-masukat ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Sa mga panahon ng kahinaan, itinaguyod ako ng Diyos; noong ako’y nagdalamhati, nagdala sa akin ng ginhawa ang Kanyang mga salita. Noong ako’y mapagmataas, kinastigo at dinisiplina ako ng Diyos; bawat hakbang, ginabayan Niya ako patungo sa kasalukuyan. Napakaraming beses na naghatid ang Diyos ng maharlikang paghatol, at napakaraming beses Niya tayong tinabasan at pinakitunguhan, dinadalisay tayo mula sa katiwalian nang sa gayon maaari tayong mamuhay kung paano dapat mamuhay ang isang tunay na tao. Dumanas na tayo ng mga pagsubok at paghihirap, at ginabayan, binigyang-liwanag, at pinangunahan tayo ng mga salita ng Diyos, na pinagkalooban tayo ng pananampalataya at lakas. Kasama ang Diyos, nadaig natin si Satanas. Palagi nating kasama ang Diyos; paano tayo mabibigong maabot ang Kanyang mga inaasahan? Nang isinasaisip ang Kanyang mga pangaral, tutuparin ko ang aking tungkulin upang aliwin Siya, kusang titiisin ang lahat ng pagsubok at pagdurusa at matunog na magpapatotoo upang luwalhatiin Siya. Puno ng mga pagkabigo at paghihirap ang landas ng pagmamahal sa Diyos; pagkatapos maging negatibo o matumba, tatayo akong muli. Gaano man katindi ang mga dagok na maaari kong makaharap, palagi kong mamahalin ang Diyos nang walang hinaing ni pagsisisi!

Sinundan: 287 Tayo ay Mga Saksi Kay Cristo ng mga Huling Araw

Sumunod: 289 Palaging Nakabantay ang Diyos sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito