512 Tanging ang Isang Saligan ng mga Salita ng Diyos ang Nagbibigay ng Landas ng Pagsasagawa

1 Tanging sa paghahanap lamang sa katotohanan matatamo ng isang tao ang pagbabago sa kanyang disposisyon: Ito ay isang bagay na kailangang lubos na maintindihan at maunawaan ng mga tao. Kung wala kang sapat na pagkaunawa sa katotohanan, madali kang magkakamali at maliligaw ng landas. Kung nais mong lumago sa buhay, kailangan mong hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay. Anuman ang iyong ginagawa, dapat mong alamin kung paano umasal nang tama upang makaayon sa katotohanan, at tuklasin kung anong mga dungis ang umiiral sa iyong kalooban na lumalabag dito. Anuman ang iyong ginagawa, dapat mong isipin kung ito ay may halaga o wala. Magagawa mo ang mga bagay na may kahulugan, ngunit hindi mo dapat gawin ang mga bagay na walang kahulugan. Patungkol sa mga bagay na maaari mong gawin o hindi gawin, kung maaaring bitawan ang mga ito, bitawan mo ang mga ito. Kung hindi, kung gagawin mo ang mga bagay na ito nang ilang panahon at kalaunan ay matuklasan mo na dapat mong bitawan ang mga ito, kung gayon ay mabilis na magpasiya at bitawan kaagad ang mga ito. Ito ang prinsipyong dapat mong sundan sa lahat ng ginagawa mo.

2 Habang naghahanap ng pagpasok, dapat siyasatin ang bawat bagay. Dapat lubusang mapag-isipan ang lahat ng bagay ayon sa salita ng Diyos at sa katotohanan upang alam mo kung paano pangasiwaan ang mga ito sa isang paraan na buong-buong tumutugma sa kalooban ng Diyos. Ang mga bagay na nagmumula sa iyong sariling kalooban ay maiiwanan na kung gayon. Malalaman mo kung paano gawin ang mga bagay ayon sa kalooban ng Diyos, at pagkatapos ay gagawin ang mga iyon; mararamdaman mong para bang ang lahat ng bagay ay nangyayari nang natural, at magiging para bang napakadali. Ganito kung paano ginagawa ng mga taong nagtataglay ng katotohanan ang mga bagay-bagay. Pagkatapos ay talagang maipapakita mo na sa iba na ang iyong disposisyon ay nagbago na, at makikita nilang nakagawa ka na nga talaga ng ilang mabubuting gawa, na ginagawa mo ang mga bagay ayon sa prinsipyo, at na ginagawa mo nang tama ang lahat ng bagay. Ito ay isang taong nauunawaan ang katotohanan at talagang mayroon ngang kaunting wangis ng tao. Tiyak na tiyak, ang salita ng Diyos ay nagbunga ng mga resulta sa mga tao.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao

Sinundan: 511 Magpatotoo sa Diyos sa Lahat ng Bagay Upang Masiyahan ang Diyos

Sumunod: 513 Hanapin ang Katotohanan sa Lahat ng Bagay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito