387 Ang Susi sa Pananampalataya ay Pagtanggap sa mga Salita ng Diyos Bilang Realidad ng Buhay
Ⅰ
Paniniwala sa Diyos ay hindi
para makakita ng mga himala,
ni alang-alang sa sariling laman,
kundi upang Diyos ‘yong maunawaan
at sundin Siya hangga’t kaya mo.
Tulad ni Pedro, sundin Siya hanggang kamatayan.
Subukan mo at nang iyong makamtan.
Ⅱ
Kainin at inumin ang Kanyang salita para
Siya’y tunay na makilala at para Siya ay mapasaya.
Kainin at inumin ang Kanyang salita
upang Siya ay higit na makilala.
Doon mo lang Siya maaaring sundin at mahalin.
Ito dapat ang layon ng paniniwala sa Kanya.
Ⅲ
Paniniwala sa Diyos ay paghahangad
na magawang perpekto ng Diyos,
at lubos na pagsunod sa Kanya.
Kung masusunod mo ang Diyos nang walang daing,
at iisipin ang Kanyang mga hangarin,
nang may katayuan at estilo ni Pedro,
tagumpay ka sa pananampalataya mo,
Diyos ika’y natatamo.
Kung susubuka’t makikita
mo lang mga himala at tanda,
mali ang pananaw ng ‘yong pananampalataya.
Paniniwala sa Diyos ay pagtanggap
na Kanyang salita bilang realidad ng buhay.
Sundin ang Kanyang salita,
gawin ito sa ‘yong buhay.
Yan ang tutupad sa Kanyang layon.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos