388 Pagsasagawa ng Katotohanan ang Susi sa Pananampalataya sa Diyos

1 Susi sa paniniwala sa Diyos ang kakayahang isagawa ang katotohanan, mapangalagaan ang kalooban ng Diyos, malaman ang gawain ng Diyos sa tao kapag Siya ay nagkatawang-tao at ang mga prinsipyo na sa pamamagitan ng mga ito ay nagsasalita Siya. Huwag sumunod sa masa. Dapat kang magkaroon ng mga prinsipyo hinggil sa kung ano ang nararapat mong pasukin, at dapat mong panghawakan ang mga ito. Ang mahigpit na paghawak sa mga bagay na yaon sa kalooban mo na dinala ng kaliwanagan ng Diyos ay makatutulong sa iyo. Kung hindi, liliko ka sa isang direksyon ngayon, at bukas naman ay sa ibang direksyon, kailanman ay wala kang makakamit na anumang totoo. Ang pagiging ganito ay walang pakinabang sa iyong buhay.

2 Ang paniniwala sa Diyos at paghahangad na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito matatamo sa pagtitipon-tipon lamang at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka mapeperpekto sa pamamagitan ng bugso ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at malaman, at magtaglay ng prinsipyo sa iyong mga pagkilos, at makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag sumailalim ka na sa mga karanasan, makakaya mong kilalanin ang maraming bagay—makakaya mong kilalanin ang pagkakaiba ng mabuti at masama, ng katuwiran at kasamaan, ng kung ano ang sa laman at dugo at kung ano ang sa katotohanan. Dapat mong makilala ang pagkakaiba ng mga bagay na ito, at sa pagsasagawa nito, anuman ang mangyari, hindi ka kailanman maliligaw. Ito lamang ang iyong totoong katayuan.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos

Sinundan: 387 Ang Susi sa Pananampalataya ay Pagtanggap sa mga Salita ng Diyos Bilang Realidad ng Buhay

Sumunod: 389 Dapat Sambahin ng Buong Sangkatauhan ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito