145 Ang Karunungan ng Diyos ay Lumalabas Batay sa mga Pakana ni Satanas

Gaano man naging tiwali ang tao,

o pa’no man sila tinukso,

marunong pa rin si Jehova, kaya bagong gawai’y

nagawa na Niya mula noong paglikha.

Wala pang naulit sa Kanyang mga hakbang.

Wala pang naulit sa Kanyang mga hakbang.

Sa paglaban kay Satanas, Diyos ay laging panalo.

Marunong na Diyos ‘di pa natalo.

Kaya Niya’ng alamin mga pakana ni Satanas,

at dunong Niya’y lumalabas batay sa daya nito.


Patuloy mga pakana ni Satanas.

Tao’y ginagawang tiwali at bulok ni Satanas,

ngunit si Jehova ay patuloy ring

kumikilos gamit ang talino.

Di pa Siya nabigo; gawain Niya’y walang-tigil.

Noon hanggang ngayon, gawain Niya’y walang-tigil.

Sa paglaban kay Satanas, Diyos ay laging panalo.

Marunong na Diyos ‘di pa natalo.

Kaya Niya’ng alamin mga pakana ni Satanas,

at dunong Niya’y lumalabas batay sa daya nito.


Sa paggawa ng Kanyang gawain, di Niya lamang

nailigtas ang tao, kahit tiwali sila,

hinayaang makita karunungan Niya,

kapangyariha’t awtoridad,

ngunit hahayaan Niya pang

makita nila Kanyang matuwid na disposisyon:

upang masama’y parusahan, mabuti’y gantimpalaan.

Matuwid na disposisyon Niya!

Sa paglaban kay Satanas, Diyos ay laging panalo.

Marunong na Diyos ‘di pa natalo.

Kaya Niya’ng alamin mga pakana ni Satanas,

at dunong Niya’y lumalabas batay sa daya nito.


Lahat ng nasa langit ay sumusunod sa Kanya,

lahat ng nasa lupa’y humihimlay sa paanan Niya.

Masasamang lumiligalig sa tao

sasailalim sa Kanyang pagkastigo.

Lupa’t langit makikita kapangyariha’t

karunungan Niya, at mas higit pang katotohanan!

Sa paglaban kay Satanas, Diyos ay laging panalo.

Marunong na Diyos ‘di pa natalo.

Kaya Niya’ng alamin mga pakana ni Satanas,

at dunong Niya’y lumalabas batay sa daya nito.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw

Sinundan: 144 Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos

Sumunod: 146 Dadakilain ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito