201 Lubhang Makabuluhan ang Paghahanap sa Katotohanan

1 Ang mga tao ay lubhang nagawang tiwali ni Satanas, wala silang pagkakamukha sa tao. Kayabangan, pagiging mapanlinlang, kasakiman, kawalan ng dangal—lahat ng ito’y ang mukha ni Satanas. Dahil ang mga tao ay may kalikasan ni Satanas, kailangan nilang tumanggap ng paghatol ng Diyos. Sapagkat ang hatulan ang tiwaling tao ay hindi mababagong batas ng Langit at lupa. Kapag natamo nila ang katotohanan at ang buhay, saka lamang magkakaroon ng pagbabago sa kanilang disposisyon. Pagmamahal sa katotohanan ang susi sa pagpasok sa buhay. Ang pagpasok sa realidad ay sa pamamagitan lamang ng pag-unawa at pagsasagawa ng katotohanan. Ang mahalin at sundin nang tunay ang Diyos ang mga pinakamahalagang bagay.

2 Sa pagdanas sa paghatol ng mga salita ng Diyos, nakikilala ko ang aking sarili. Mapagmataas, naghahangad ng pagpapala, ang katiwalian ko ay nalantad. Nagsinungaling ako at nandaya, naging buktot ako at mapanlinlang , subalit madalas pa ring inisip ang aking sarili. Lubha akong nagawang tiwali na tila hindi na ako tao, at nagnais pa rin ako ng mga pagpapala. Ang paghatol ng Diyos ay nagpapakita ng Kanyang kabanalan at pagiging matuwid. Ang mga hindi hinatulan o dinalisay ay mahuhulog sa mga sakuna. Nilinis at niligtas ako ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Nagbago ang aking disposisyon at pinupuri ko ang Diyos sa aking puso.

3 Si Cristo ng mga huling araw ang naghahatid ng daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ang kahalagahan at kabuluhan ng katotohanan ay di-maaarok ng lahat. Hindi matatamo ang buhay nang hindi dinaranas ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang makabuluhang pag-iral ay nagmumula sa pananampalataya sa Diyos, at pagsisikap na matamo ang katotohanan at ang buhay. Ang tunay na buhay ng tao ay sa pamamagitan lamang ng pagtatamo sa katotohanan. Ang Diyos ang nagpapasiya ng kahahantungan ng mga tao batay sa kung taglay nila ang katotohanan. Ang mga kilos ng Diyos ay matuwid lahat, at hindi dapat pagdudahan ng tao. Lilipulin ng malaking kalamidad ang lahat ng kay Satanas. Yaong mga nagtamo sa katotohanan ay mananatili sa kaharian ng Diyos magpakailanman.

Sinundan: 200 Ang Salita ng Diyos ang Liwanag

Sumunod: 202 Ginigising ng Pagmamahal ng Diyos ang Aking Kaluluwa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito