698 Tanggapin ang Paghatol upang Makamit ang Buhay
I
Lahat ng salita ng Diyos ay tumatama sa atin,
iniiwan tayong malungkot at puno ng takot.
‘Binubunyag Niya’ng kuru-kuro’t imahinasyon,
at tiwaling disposisyon natin.
Sa lahat ng ating sinasabi’t ginagawa
sa bawat sariling kaisipan at ideya,
binubunyag Niya’ng kalikasan natin
sa mga salita Niya,
iniiwan tayong natatakot
at nanginginig na walang
mapagtaguan ng kahihiyan.
‘Pinapakita Niya’ng ating mga kilos, layunin,
at katiwaliang ‘di pa natin natuklasan,
kaya ramdam na lantad ang ating mga depekto,
at ganap Niya tayong nakukumbinsi.
Tayo’y hinahatulan Niya sa paglaban sa Kanya,
kinakastigo sa pagkondena
at paglapastangan sa Kanya.
Ramdam natin na sa paningin Niya tayo’y
wala ni isang katangiang katubus-tubos,
na tayo’y si Satanas mismo sa anyong tao.
Sa paghatol Niya, ramdam natin
ang dangal ng Diyos
at ‘di pagpaparaya sa paglabag ng tao,
kumpara sa kung sa’n tayo’y
napakababa’t marumi.
Dahil sa paghatol at pagkastigo Niya,
napagtanto ang kayabangan natin,
kita natin pa’nong tao’y
‘di magiging kapantay ng Diyos.
II
Paghatol at pagkastigo Niya’y nagawa tayong
sabik na alisin ang tiwaling disposisyon
at kalikasang ito sa lalong madaling panahon
at tumigil sa pagiging kasuklam-suklam sa Kanya.
Nagawa nitong sumunod tayo sa mga salita Niya;
‘di na susuway pa sa pagsasaayos Niya.
Dahil sa pagkastigo’t paghatol Niya,
ninanais nating mabuhay.
Malugod natin Siyang tinatanggap
bilang Tagapagligtas….
Tayo ay normal na mga tao,
na may mga tiwaling disposisyon,
mga itinalaga ng Diyos
bago ang mga kapanahunan;
mula sa dumi’y nabuhat na Niya tayo.
Minsang hinatulan natin ang Diyos,
ngayo’y nilulupig Niya tayo.
‘Binigay na Niya sa ‘tin ang daan
ng walang hanggang buhay.
Sa’n man tayo tutungo, anuman ang titiisin,
‘di tayo mabubuhay kung wala’ng
pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos,
pagka’t Siya’ng Lumikha,
tanging katubusan natin!
Pag-ibig ng Diyos ay lumalaganap
at ‘binigay sa ‘yo,
sa ‘kin at sa naghahanap ng katotohanan
at matiyagang naghihintay
sa pagpapakita ng Diyos.
Tulad ng araw at buwang halinhinang sumisikat,
‘di ititigil ng Diyos ang gawain Niya sa sinumang
sumusunod at tumatanggap sa paghatol Niya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 4: Mamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo