697 Malalaking Pakinabang sa Paniniwala sa Praktikal na Diyos

Ang Anak ng Tao’y patuloy na nagsasalita.

Itong hamak na tao nangunguna sa’tin sa gawain ng Diyos.

Nagdaan na tayo sa maraming pagsubok at pagkastigo,

at tayo’y sinubok ng kamatayan.

Katuwira’t kamahalan ng Diyos ating natututuhan.

Habag at pag-ibig Niya’y natatamasa natin.

Karununga’t kapangyarihan N’ya, pinapahalagahan natin,

nakikitang S’ya’y kaibig-ibig at sabik iligtas ang tao.

Sa mga salita ng karaniwang taong ito,

nalalaman natin ang diwa, kalooban, disposisyon ng Diyos.

Nalalaman din natin kalikasan at diwa ng tao,

at nakikita kung pa’no maligtas at maging perpekto.


Sa Kanyang salita, tayo’y namamatay at ‘sinisilang muli.

Iniiwan tayong nababagabag at may utang.

Nguni’t nagdudulot ito sa atin ng kaginhawahan.

Kanyang salita, dulot ay kirot, galak at kapayapaan.

Minsan para tayong mga kaaway,

na sinunog ng Kanyang galit,

parang mga tupang kakatayin,

minsan ay Kanyang kinagigiliwan,

tayo’y Kanyang inililigtas,

mga uod sa Kanyang paningin,

mga ligaw na tupa na Kanyang

hinahanap umaga man o gabi.

Sa mga salita ng karaniwang taong ito,

nalalaman natin ang diwa, kalooban, disposisyon ng Diyos.

Nalalaman din natin kalikasan at diwa ng tao,

at nakikita kung pa’no maligtas at maging perpekto.


Tayo’y kinahahabagan, inaangat, kinamumuhian N’ya,

inaaliw, pinapayuhan, ginagabayan at nililiwanagan,

kinakastigo, dinidisiplina, at isinusumpa,

araw-gabi, inaalala, pinoprotektahan, inaalagaan.

Lagi sa ating tabi, tayo’y inaalagaan.

Napagsikapan N’ya ang lahat para sa atin.

Sa salita N’ya, natamasa natin ang kabuuan ng Diyos

at namasdan hantungang naibigay N’ya sa atin.

Sa mga salita ng karaniwang taong ito,

nalalaman natin ang diwa, kalooban, disposisyon ng Diyos.

Nalalaman din natin kalikasan at diwa ng tao,

at nakikita kung pa’no maligtas at maging perpekto.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 4: Mamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Sinundan: 696 Kailangan Mong Malaman Kung Paano Maranasan ang Gawain ng Diyos

Sumunod: 698 Tanggapin ang Paghatol upang Makamit ang Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito