699 Pag-aalay ng Pinakamahalagang Sakripisyo sa Diyos
Ⅰ
Matapos ang mga taon ng paghihirap,
kinastigo at dinalisay,
ang tao sa wakas ay sinira ng panahon;
luwalhati, pag-iibigan, wala na ngayon.
Nauunawaan na niya ngayon ang katotohanan
ng pagiging tao at debosyon ng Diyos.
Kaya inaalay n’ya ang pinakamahalagang
sakripisyo sa kanyang Diyos, na nakangiti sa kanya.
Ⅱ
Kinamumuhian n’ya ang kasamaan n’ya,
napopoot sa kabangisan n’ya
at maling pagkaintindi, at hinihingi sa Diyos.
Hindi niya maibabalik ang panahon,
baguhin lahat ng pagsisisi n’ya.
Ngunit ang salita’t pag-ibig ng Diyos
ay binibigyan s’ya ngayon ng bagong buhay.
Kaya inaalay n’ya ang pinakamahalagang
sakripisyo sa kanyang Diyos, na nakangiti sa kanya.
Ⅲ
Araw-araw, mga sugat ng tao’y gumagaling,
lakas ay nagbabalik.
Nakatayo s’ya, nakatitig sa mukha
ng Makapangyarihan sa lahat,
upang matuklasan lang na palaging naririto ang Diyos,
Ang ngiti at pag-ibig N’ya ay napakaganda pa rin.
Kaya inaalay n’ya ang pinakamahalagang
sakripisyo sa kanyang Diyos, na nakangiti sa kanya.
Ⅳ
Tinataglay ng puso N’ya mga alalahanin ng tao;
Mga kamay N’ya’y mainit at malakas,
ganoon pa rin iyon gaya noong simula.
Para bang nakabalik ang tao sa Hardin ng Eden.
Nilalabanan n’ya ang ahas, bumabalik kay Jehova.
Kaya inaalay n’ya ang pinakamahalagang
sakripisyo sa kanyang Diyos, na nakangiti sa kanya.
Kaya inaalay n’ya ang pinakamahalagang
sakripisyo sa kanyang Diyos, na nakangiti sa kanya.
Oh! Aking Panginoon! Aking Diyos!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos