899 Hindi Magbabago ang Intensiyon ng Diyos sa Pagligtas ng Tao
I
Alam ng tao ngayon
ang katiting ng mga disposisyon ng Diyos,
kung anong mayroon ang Diyos at ano Siya,
ng mga gawain na ginagawa Niya.
Ngunit karamihan sa kanilang pagkaunawa
ay walang iba kundi mga salita sa isang pahina,
mga teorya sa isip.
Hindi nais ng Diyos na ang sinuman
ay maramdamang inabandona o di-pinansin.
Gusto Niyang makita ang matatag na puso
na sundan ang daan
ng pagkilala sa Diyos at
paghahanap sa katotohanan.
II
Ang kakulangan ng mga tao
ay isang tunay na kaalaman at
isang pagtingin na nagmula
sa tunay na karanasan.
Sinusubukan ng Diyos ang iba’t ibang paraan
upang mapukaw ang puso ng tao,
ngunit mayroon pa ring mahabang daan
bago ito muling mabuhay.
Hindi nais ng Diyos na ang sinuman
ay maramdamang inabandona o di-pinansin.
Gusto Niyang makita ang matatag na puso
na sundan ang daan
ng pagkilala sa Diyos at
paghahanap sa katotohanan.
Nais Niya na ang lahat ay sumulong,
walang dalang pasanin, at walang pangamba.
III
Gaano man karami ang nilabag mo,
gaano man kalayo ang nilihis mo,
huwag mong itigil ang ‘yong paghahangad
na makilala ang Diyos.
Dapat mong ipagpatuloy ang pagsulong.
Ang puso ng Diyos na iligtas ang tao
ay hindi magbabago.
Ito ang pinakamahalaga tungkol sa Diyos.
Hindi nais ng Diyos na ang sinuman
ay maramdamang inabandona o di-pinansin.
Gusto Niyang makita ang matatag na puso
na sundan ang daan
ng pagkilala sa Diyos at
paghahanap sa katotohanan.
Nais Niya na ang lahat ay sumulong,
walang dalang pasanin, at walang pangamba.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI