898 Ang Diyos ay Napapanatag Kapag Tinatalikuran ng mga Tao ang Kanilang mga Pagkakamali
1 Naalis na ang ilang taong nag-aatubiling bitawan ang kanilang kaugnayan sa mundo. Gumagala-gala sila sa loob ng ilang taon bago bumalik sa sambahayan ng Diyos. Sa paggawa nito, mayroon silang pag-asang magtamo ng kaligtasan—ito ay bihira at mahalaga. Paano man kumilos ang Diyos, at paano man Siya makitungo, mamuhi, o masuklam sa mga tao, kung darating ang araw na kagyat na makapagbabago sila, Ako ay lubhang magiginhawaan, dahil mangangahulugan ito na mayroon pa rin silang kaunting puwang sa kanilang puso para sa Diyos, na hindi nila ganap na naiwala ang kanilang pantaong katinuan o ang kanilang pagkatao, na nais pa rin nilang maniwala sa Diyos, at na kahit paano ay mayroon silang bahagyang intensyon na kilalanin Siya at bumalik sa harapan Niya. Sino man ang lumilisan sa tahanan ng Diyos, kung sila ay bumalik, at pinahahalagahan pa rin nila ang pamilyang ito, kahit paano ay madamdaming mapapalapit Ako at bahagyang magiginhawaan dito. Gayunpaman, kung hindi sila bumalik kailanman, iisipin Ko na ito’y kahabag-habag. Kung makababalik sila at magsimulang matapat na maniwala sa Diyos, talagang mapupuno ng kasiyahan ang Aking puso.
2 Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon si Jesus ng awa at biyaya para sa mga tao. Kung ang isa sa sandaang tupa ay naligaw, iiwan Niya ang siyamnapu’t siyam upang hanapin ang isa. Ang pangungusap na ito ay hindi naglalarawan ng isang uri ng mekanikal na pamamaraan, ni tuntunin; sa halip, ipinakikita nito ang agarang intensyon ng Diyos na maghatid ng kaligtasan sa mga tao, pati na rin ng Kanyang malalim na pagmamahal para sa kanila. Ang Kanyang pagmamahal sa tao ay hindi isang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay; ito ay isang uri ng disposisyon, isang uri ng mentalidad. Kung gayon, gaano man karami ang mga kahinaan o maling pagkaunawa ng mga tao, kung kalaunan ay magagawa nilang matanto ang katotohanan, at magtamo ng kaalaman at magkaroon ng pagbabago, lalo Akong mapapanatag. Sa mundong ito ng pagsasaya at karangyaan, at sa masamang kapanahunang ito, ang kakayahang manindigan, kilalanin ang Diyos, at makabalik sa tamang landas ay mga bagay na nagdudulot ng bahagyang ginhawa at kasabikan.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi