258 Determinado Akong Mahalin ang Diyos
O Diyos, nakita ko’ng kagandahan
ng ‘Yong katuwira’t kabanalan.
Determinado akong hanapin ang katotohanan
at mahalin Ka.
I
Mangyaring buksan ang mata ng aking espiritu,
antigin ng Iyong Espiritu’ng puso ko,
upang maitapon ko ang lahat ng negatibo’t
walang makahahadlang,
upang ilantad ko ang puso ko sa harap Mo,
ganap na ilaan sa Iyo.
Gaano Mo man subukin,
ako’y ganap na magpapasakop sa Iyo.
‘Di ko iniisip ang hinaharap,
‘di nakagapos sa kamatayan.
Nang may pusong nagmamahal sa ‘Yo,
hanap ko daan ng buhay.
Kahit anong mangyari, dapat Kitang mahalin,
dapat Kitang makamit.
‘Di titigil hangga’t ‘di Ka nakakamit,
determinado akong mahalin Ka.
II
O Diyos, lahat ay nasa kamay Mo.
Kapalara’t buhay ko’y kontrolado Mo.
Ngayon, pasya kong hangarin Ka,
desididong mahalin Ka.
At kung payagan Mo man ako na
mahalin Ka o hindi,
o kung makialam si Satanas,
desidido talaga akong mahalin Ka.
‘Di ko iniisip ang hinaharap,
‘di nakagapos sa kamatayan.
Nang may pusong nagmamahal sa ‘Yo,
hanap ko daan ng buhay.
Kahit anong mangyari, dapat Kitang mahalin,
dapat Kitang makamit.
‘Di titigil hangga’t ‘di Ka nakakamit,
determinado akong mahalin Ka.
III
Handa akong hangarin at sundan Ka.
Bagama’t maa’ring iwan Mo ‘ko,
susunod pa rin ako.
Gusto mo man ako o hindi, mamahalin Kita,
at sa huli kailangan Kitang makamit.
Alay ko’ng puso ko, at kahit anong gawin Mo,
susundin Kita buong buhay ko.
Kahit anong mangyari, dapat Kitang mahalin,
dapat Kitang makamit.
‘Di titigil hangga’t ‘di Ka nakakamit,
determinado akong mahalin Ka.
Kahit anong mangyari, dapat Kitang mahalin,
dapat Kitang makamit.
‘Di titigil hangga’t ‘di Ka nakakamit,
determinado akong mahalin Ka.