938 Ang Disposisyon ng Diyos ay Matayog at Kataas-taasan
I
Galak ng Diyos ay dahil sa
pagkawasak ng kasamaan,
pag-iral at paglitaw ng liwanag at katarungan,
mula sa pagdadala ng liwanag at mabuting buhay.
Galak Niya’y matuwid,
sagisag ng mga positibong bagay
at ng pagkamapalad.
Disposisyon ng Diyos,
sumasagisag sa pagkamaharlika,
dangal, kapangyarihan, kataasan, at kadakilaan.
Disposisyon ng Diyos,
sumasagisag sa pagkamaharlika,
dangal, kapangyarihan, kataasan, at kadakilaan.
II
Poot Niya’y dahil ang kawalang-katarungan
ay pinsala sa tao,
dahil sa kadilima’t kasamaan,
at sa nagtataboy ng katotohanan,
at dahil may sumasalungat
sa kung anong maganda.
Ito’y simbolo ng paglaho ng kasamaan,
sagisag ng kabanalan.
Disposisyon ng Diyos,
sumasagisag sa pagkamaharlika,
dangal, kapangyarihan, kataasan, at kadakilaan.
Disposisyon ng Diyos,
sumasagisag sa pagkamaharlika,
dangal, kapangyarihan, kataasan, at kadakilaan.
III
Pighati Niya’y dahil tao’y nasa dilim,
‘di kayang mabuhay sa liwanag.
Gawain Niya sa tao ay
‘di maabot ang inaasam Niya.
Nalulungkot Siya para sa tao,
tapat, mabait pero marupok at hangal.
Awa, kagandaha’t kabutiha’y
kita sa kalungkutan Niya.
Disposisyon ng Diyos,
sumasagisag sa pagkamaharlika,
dangal, kapangyarihan, kataasan, at kadakilaan.
Disposisyon ng Diyos,
sumasagisag sa pagkamaharlika,
dangal, kapangyarihan, kataasan, at kadakilaan.
IV
Saya ng Diyos ay nagmumula
sa pagtalo sa kaaway,
pagtamo sa katapatan ng tao’t
pamumuhay ng tao nang payapa.
Saya Niya’y ‘di tulad ng sa tao;
tulad ‘to ng mabuting ani.
Sagisag na tao’y malaya sa pasakit,
na siya’y nasa mundo ng liwanag.
Ngunit emosyon ng tao’y pansarili lang,
‘di para sa liwanag, anong maganda at tama,
at ‘di para sa biyaya ng Langit.
Sila’y makasarili at nasa dilim.
‘Di para sa plano’t kalooban ng Diyos,
kaya’t tao’t Diyos ay magkaiba.
Disposisyon ng Diyos,
sumasagisag sa pagkamaharlika,
dangal, kapangyarihan, kataasan, at kadakilaan.
Disposisyon ng Diyos,
sumasagisag sa pagkamaharlika,
dangal, kapangyarihan, kataasan, at kadakilaan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos