725 Magpasakop sa Kasalukuyang mga Salita ng Diyos Upang Magawang Perpekto
Landas na tinatahak ngayon ng Espiritu ay
mga kasalukuyang salita ng Diyos.
I
Kung sinong nais tumahak doon ay
dapat sumunod, kumain at uminom
ng mga salita ngayon
ng nagkatawang-taong Diyos.
Ginagawa Niya’y gawain ng mga salita.
Lahat ay nagsisimula sa mga salita Niya,
kung saan itinatag ang lahat.
‘Pag naiintindihan at kayang sumunod
sa diwa ng mga salita ngayon ng Diyos,
siya’y tunay na mamumuhay sa landas
na may gabay ng Banal na Espiritu.
At siya’y nakapagsimula na sa tamang landas
kung saan pineperpekto ng Diyos ang tao.
II
Para matiyak man ang tungkol sa
nagkatawang-taong Diyos o makilala Siya,
tao’y dapat lalo pang magsikap
sa mga salita Niya.
Kung hindi, wala siyang nakakamit o tinataglay.
Tao’y dapat makilala’t mapalugod ang Diyos
sa batayan ng pagbabasa
ng mga salita ng Diyos.
Sa ganito lang unti-unting makabubuo
ng normal na kaugnayan sa Diyos.
‘Pag naiintindihan at kayang sumunod
sa diwa ng mga salita ngayon ng Diyos,
siya’y tunay na mamumuhay sa landas
na may gabay ng Banal na Espiritu.
At siya’y nakapagsimula na sa tamang landas
kung saan pineperpekto ng Diyos ang tao.
Pagkain, pag-inom
at pagsasagawa ng salita ng Diyos
ang pinakamabuting paraang
makipagtulungan sa Diyos.
Ito ang paraan kung saan
tao’y kayang manindigan
sa patotoo nila bilang tao Niya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos