1025 Ang Pangako ng Diyos sa Tao sa mga Huling Araw
Ⅰ
Kapag nakumpleto gawain ng paglupig,
tao’y papasok sa magandang daigdig.
Buhay sa lupa’y mananatili, ngunit ‘di tulad ngayon.
Ito’y bagong buhay matapos ang paglupig sa tao,
patunay ng pagpasok sa bagong dako,
na simula ng buhay ng tao kasama ang Diyos sa mundo.
Maganda’t inaasam, magiging buhay ng tao sa lupa,
di pa nakikita sa kasaysayan ng mundo.
Ito ang resulta ng anim na libong taong paggawa.
Ito ang inaasam ng tao, at pangako ng Diyos sa tao.
Ito ang inaasam ng tao, at pangako ng Diyos sa tao.
Ⅱ
Ang saligan nitong buhay ay na ang tao’y nadalisay,
nalupig, at nagpapasakop sa Manlilikha.
Kaya’t, ang panlulupig ang huling yugto ng gawain ng Diyos
bago pumasok ang tao sa gayon kagandang dako.
Maganda’t inaasam, magiging buhay ng tao sa lupa,
di pa nakikita sa kasaysayan ng mundo.
Ito ang resulta ng anim na libong taong paggawa.
Ito ang inaasam ng tao, at pangako ng Diyos sa tao.
Ito ang inaasam ng tao, at pangako ng Diyos sa tao.
Ⅲ
Pangakong ito’y ‘di darating ngayon:
Mararating ng tao kanyang destinasyon
tanging kapag gawain ng mga huling araw ay natapos;
kapag ang tao ay lubos nang nalupig,
kapag si Satanas ay nadaig.
Maganda’t inaasam, magiging buhay ng tao sa lupa,
di pa nakikita sa kasaysayan ng mundo.
Ito ang resulta ng anim na libong taong paggawa.
Ito ang inaasam ng tao, at pangako ng Diyos sa tao.
Ito ang inaasam ng tao, at pangako ng Diyos
sa tao, sa tao, sa tao, sa tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan