242 Nagtamasa Ako ng Labis na Pag-ibig ng Diyos

1 Tiwaling tao ako na puno ng satanikong disposisyon. Ipinapahiya ako ng paghatol at paghahayag ng Iyong mga salita. Nakita ko ang lalim ng aking katiwalian, ang aking kawalan ng pagkakawangis ng tao, at na wala akong anumang katotohanang realidad, at lahat ng ito ay nagpapahapis sa aking puso. Tahimik akong nag-aalala at umiiyak. Bakit hindi kita mapaluguran? Hindi na ako napanghihinaan ng loob at nawawalan ng pag-asa kapag nakikita ko kung gaano Ka kabalisang naghihintay sa aking pagsisisi. Binabasag ng Iyong pag-ibig ang aking puso at pinapatulo ang aking luha na parang ulan. Nabihag ng Iyong pag-ibig ang aking puso, at ngayon ay umiibig na ako sa Iyo. Natamo ko ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsunod sa Iyo; Ikaw lamang ang labis na kaibig-ibig.

2 Habang sumasailalim sa paghatol ng Iyong mga salita, malinaw kong nakita ang katotohanan ng aking katiwalian. Wala akong anumang pagkatao o katwiran, ngunit mapagmataas pa rin ako at nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba. Puno ng satanikong disposisyon ang buhay na tinatahak ko ngunit nagtitiwala pa rin ako sa aking maringal na pagkatao. Nakita ko na ang lalim ng aking katiwalian at kailangan ko ang Iyong paglilinis at pagliligtas. Inilalantad ng bawat salita ng Iyong paghatol ang pinagmumulan ng aking katiwalian. Nagsisisi ako at nagpapatirapa sapagkat nakita ko ang Iyong pagiging matuwid. Tinatanggap ng mga tiwaling tao ang Iyong pag-ibig sa pamamagitan ng paghatol at paglilinis. Ang pamumuhay ko sa harap Mo ngayon ay dahil lamang sa Iyong pagliligtas. Sa pagkamit ng biyaya ng Iyong pagliligtas, nagiging mas dalisay ang pag-ibig ko para sa Iyo.

3 Kahit na nasa gitna ako ng mga pagsubok, nararamdaman pa rin ng aking puso ang Iyong pag-ibig. Sa pamamagitan ng pagpipino, ang Iyong mga salita ang aking pang-aliw, at alam kong ginagawa Mo akong perpekto. Tunay na matatagpuan sa pagtanggap ng paglilinis at pagliligtas ang Iyong biyaya. Nakita ko ang Iyong tunay na pag-ibig na nakakubli sa Iyong paghatol at pagkastigo. Nakadarama ako ng kaligayahan sa simpleng pag-ibig sa Iyo, at hindi ko mapigilan ang aking mga pagpupuri para sa Iyo. Napakadakila ng Iyong pag-ibig, lubhang totoo, at napakaganda, at walang katapusang nagagalak ako rito. Tanging sa Iyo lamang ang aking puso; palagi kitang dadakilain at magpapatotoo sa Iyo. Nais kong ibigin Ka sa buong buhay ko, at para matanggap Mo ang aking pag-ibig. Binigyan Mo ako ng lubos na pag-ibig, nais kong ibigin Ka magpakailanman.

Sinundan: 241 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Laging Nananatili sa Aking Puso

Sumunod: 243 Wala Nang Iba Pang Kinakailangan ang Aking Puso

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger